Dokumento baka di ibigay | Bandera

Dokumento baka di ibigay

Lisa Soriano - April 26, 2014 - 03:00 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Gusto ko lang po na itanong kung paano ko makukuha ang mga dokumento mula sa dati kong kumpanya na kung saan ay nag resign na ako sa trabaho at sinampahan ko na po ng kaso ang dati kong employer .
Sigurado po na hindi na nila ako bibigyan ng mga dokumento. Kakailanganin ko po eto para isumite sa SSS at makuha ang aking claim. Sana po ay ma-tulungan ninyo ako. Salamat po.
G ng Tambo
Paranaque City
Cp no. …5343
REPLY: Ito ay kaugnay sa sulat ni G ng Tambo, Paranaque City hinggil sa kanyang katanungan tungkol sa dokumento mula sa kanyang kumpanya na kinakailangang niyang isumite.

Dahil si G ay nakapag-file na ng kanyang kaso laban sa kanyang dating employer, kailangan lamang niyang magsumite ng Affidavit of Separation na kanyang makukuha sa kahit saang SSS Branch.

Kinakailangan din niyang ibigay ang labor case number at ang kopya ng labor case na kanyang isinampa.

Ang SSS na ang bahalang mag-imbestiga kung si G ay naging empleyado nga ng kanyang dating kumpanya.

Salamat sa patuloy na pagtitiwala sa SSS.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
Media Affairs
Department
Social Security
System

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending