Boobs, pwet ni Meg Imperial nag-hello, nilait ang tiyan | Bandera

Boobs, pwet ni Meg Imperial nag-hello, nilait ang tiyan

Alex Brosas |April 26,2014
facebook
share this

Boobs, pwet ni Meg Imperial nag-hello, nilait ang tiyan

Alex Brosas - April 26, 2014 - 03:00 AM


MAY kumalat na nip slip and butt exposure photos si Meg Imperial na kuha raw sa afternoon soap nila nina JC de Vera at Ellen Adarna.

Marami ang medyo na-bother sa dalawang photos na lumabas sa internet. Bakit daw kailangang maghubad ang bidang si Meg sa mga eksena, eh, hindi naman daw ‘yon maipapalabas sa TV?

At bakit daw kailangang hubad siya, eh, hindi naman movie ang kanyang ginagawa? Does it make sense na merong ganitong eksena gayong afternoon soap ang ginagawa niya?

One guy opined na kumalat ang photo ni Meg to beef up interest in the soap. Kasi naman, hindi pinag-uusapan ang teleserye, mga never-been kasi ang mga bida at walang kadating-dating ang mga stars.

And to top it all, hindi ito nagre-rate and what better way to create awareness nga naman kundi maglabas ng mga interesting shots sa show.

Actually, nalait pa nga si Meg in the process. May nagsabi na malaki ang kanyang tiyan sa isang long shot. One guy sums it all up in his comment.

“Sobrang nakakalungkot na ganito na ang mga napapanood natin gayung hapon na hapon. Dati ang sinasabi mga yaya at nanay lang naman nanonood ng TV kapag ganyang time slot kaya ok lang medyo adult content pero hello, summer po ngayon, lahat ng mga bata nasa bahay.

“Nakakainis sa tuwing sinasabi ng simbahan na ang RH Bill ay nang-eengganyo ng mga bata to be more sexually active, eh ano ang tawag sa mga ganitong palabas sa TV? The media has totally forgotten about its responsibility.

Not so long ago, cartoons at AngTV ang napapanood sa ganitong time slot. :(,” sabi ng isang guy sa isang popular website kasabay ng panawagan sa MTRCB na gumawa na ng aksiyon.

Ano kaya ang masasabi ng ABS-CBN PR dito?  Teka, sa soap nga kaya ni Meg ang mga shots na ‘yon o sa movie? Just asking.

( Photo credit to megimperialfanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending