'Wag umasa sa bukid | Bandera

‘Wag umasa sa bukid

Joseph Greenfield - April 26, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay E.S.,  ng Barangay Burgos,  Dapitan City
Dear Sir Greenfield,
Ang akala ko, kapag nag-asawa na ako, giginhawa na ang buhay ko. Pero, higit at labis na paghihirap ang dinaranas ko ngayon, na dapat ay may katuwang na ako sa buhay.  Imbes na tahimik na ang buhay ko ay nagulo pa.  Malaki ang pagkakaiba noong ako’y dalaga pa.
Todo-suporta ang mga magulang ko at kumakain lamang ako ng lugaw kapag ako ay may sakit.  Ngayon, madalas na kaming naglulugaw.  Umaasa lang ang asawa ko sa ipagagawa sa bukid, at kung wala naman ay wala ring kita.
Apat ang anak namin.  Giginhawa pa ba ang buhay ko?  Kailan? Payuhan mo kami kung paano makaaahon sa kahirapan.
Umaasa,
E.S., ng Barangay
Burgos, Dapitan City
Solusyon/Analysis:
Cartomancy:
Ace of  Hearts, Queen of Diamonds at Nine of Diamonds ang lumabas
(Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing wala sa mister mo ang pag-asa upang makaahon kayo sa hirap, kundi sa sarili mong pagsisikap.
Palmistry:
Kung sa bukid lang ang kayod ng mister mo, malabo nga kayong makaahon sa hirap, isipin pang hindi ka naman nagta-trabaho upang makatulong man lang sa kanya.
Samantala, kapansin-pansin ang malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin ang isang mabisang formula upang makaahon ang iyong pamilya sa hirap ay mag-abroad ka! Sa ganyang paraan makakakita ng bagong liwanag at pag-asa ang inyong pamilya. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending