Mariel imposibleng makabalik sa PBB | Bandera

Mariel imposibleng makabalik sa PBB

Jobert Sucaldito - April 26, 2014 - 03:00 AM


BUKAS na ipakikilala formally ang mga housemates ng PBB All In ng ABS-CBN to be hosted by Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Robi Domingo, Alex Gonzaga and John Prats.

Papasok na ang mga housemates sa famous Bahay Ni Kuya kaya marami tiyak ang tututok sa palabas na ito bukas ng gabi.
In fact, marami ang naka-miss kay Mariel Rodriguez who was part of the original hosts nito with Bianca and Toni kaya lang, ganoon talaga.

She’s no longer an ABS-CBN artist kaya huwag na tayong umasa pang mapapanood ito sa PBB All In. A few days ago ay maraming naglabasang alingasngas regarding the selection of these PBB housemates.

Maraming rumors ang kumakalat na kesyo pre-selected na ang said reality contest na ito. Matunog na pinag-uusapan ang pagkapasok ni Sancho, ang guwapong panganay na anak ni Ai Ai delas Alas, gayundin ang hunk G-Force dancer na na-link dati kay Vice Ganda.

Sa 10,000 applicants daw na nagpunta sa Araneta Coliseum noong April 15 ay isa lang ang nakuha dahil meron na raw talagang line-up ang Dos. How true? Kalat na kalat na ito sa social media kaya nakaka-bother para sa bagong season ng PBB.

“Baka naman nag-audition talaga sina Sancho at yung dancer na iyon at nakapasa talaga. Iyan din kasi ang mahirap pag naanunsiyo earlier na nag-a-apply ang isang celebrity or anak ng artista, palaging napagdududahang idinadaan sa palakasan.

But if he’s qualified naman, why not,” ani isang supporter ni kafatid na Ai Ai. “Unfair iyon kasi nga nagpatawag sila ng auditions, malakihan pa. Kailan nag-audition ang anak ni Ai Ai? Sige nga.

Baka doon siya sa special audition sa ABS-CBN kaya hindi natin namataan sa public audition. May nakapagbulong kasi sa amin na iginapang daw ni Ai Ai ito para makapasok.

“Kasi nga, pag hindi nila ito tinanggap magtatampo tiyak si Ai Ai. Yung dancer naman ng G-Force ay pinsan pala ni Enrique Gil na isa ring artist ng ABS-CBN, not to mention ang pagka-link niya dati kay Vice.

Baka iginapang din ni Vice Ganda ‘yan  para makapasok sa PBB All In. “Kung ganoon naman pala, sana hindi na lang sila nagpatawag ng auditions tutal may napili na silang mga manok nila.

Kawawa naman ang mga libu-libong pumila. Kung may kaniya-kaniya naman pala silang manok na napili na, ano pang silbe ng audition nila?

“At meron pang isang isyu, na kesyo lahat ng nag-audition ay pinabili ng ABS-CBN ng sim card worth P30 ba iyon at doon daw sila ite-text kung sila’y pasado o hindi.

Ano iyon? Ginawang negosyo? That’s double jeopardy na on the part of the auditioners ha. Hindi ka na nga nakapasa, nagastusan ka pa,” anang isang naggagalaiti sa narinig niyang chika.

“Kasama raw ang sikat na singer-rapper na si Abra sa mga housemates. Personal daw siyang kinuha ng ABS para maging part ng PBB All In para meron silang malaking celebrity inside.

Mas mahirap lalo iyan dahil baka pag siya ang nanalo in the end, the more na pangit tingnan.”Kasi nga may edge na siya over the other housemates.

Hindi kaya guest-housemate lang siya, yung tipong he was really commissioned by ABS-CBN para maging interesting ang launch nila? “Puwede kasing ganoon eh, yung hanggang ilang weeks lang talaga siya.

Tingnan natin kung totoo lahat ito when they will be presented to the public tomorrow. Patay sila pag totoo ang mga tsismis na naglabasang ito. Makakasira iyan sa show,” dagdag pa ng kausap natin.

Wait lang. Huwag munang mag-violent reaction agad. We’ll first get the side of the PBB people para maliwanagan tayo sa mga kumakalat na isyung ito.

Mahirap kasing mag-speculate hangga’t hindi natin nakikita ang pagpasok nila sa Bahay Ni Kuya.Halimbawa ma’y totoo lahat ang mga ito, ang last card na lang ng PBB All In ay ang magandang presentation nila ng reality show day by day para matiyak na tututukan ito ng manonood.

Nang marinig ko ngang kasama si Abra, parang gusto kong mag-gatecrash sa PBB house. Ha-hahaha! Crush ko kasi ang batang iyan eh. Basta ako, tututok ako sa PBB All In pag kasama nga si Abra sa show. Promise.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to entertainment.inquirer.net )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending