10 Showbiz Newsmakers ng 2011 | Bandera

10 Showbiz Newsmakers ng 2011

- January 01, 2012 - 12:24 PM

NI DINNO ERECE

PAMILYA. Ito ang nagbubuklod sa pinamalalaking balita sa patapos ng 2011. Away sa pamilya, awayan ng dalawang pamilya, pamilyang nasangkot, pa-milyang namatayan, lahat ay magkakadugo.

Tulad noong isang taon, sa social networking site na Twitter sumabog ang karamihan sa mga pinakamalalaking balita ngayong taon na ito. Nakikiuso o hindi sinasadya, isang pangungusap, isang maa-upload, sumasabog ang kontrobersiya at nadadawit ang mga ka-pamilya ng nasangkot.

Kung may ikatutuwa man ang mga mambabasa namin para sa sampung pinakamalaking balita ng 2011, ito ay dahil sa hinaba-haba ng paglilista namin ng ganitong special report, hindi pumasok si Kris Aquino sa pinakamatitinding pinagusapan ng masa.

10. TV5 STARS
Magagamit ng TV5 ang dating campaign ng MGM ng Hollywood, ‘more stars than in heaven’ nang pinagsama-sama nito sa iisang bubong ang Superstar, ang Megastar pati ang Diamond Star.

Ang TV5 lang ang tanging nakapagpabalik kay Nora Aunor mula sa mahigit limang taong pananatili sa USA at isinalang agad sa kauna-unahang miniserye nitong “Sa Ngalan Ng Ina”.

Magkakasunod din ang pagpirma ng dalawang dating Kapamilya na sina Aga Muhlach at Sharon Cuneta. Ginawang host ng TV5 si Aga sa pamamagitan ng Pinoy Explorer at si Sharon ang ginawang pambungad sa Christmas campaign ng TV5.

Isang malaking balita rin ang paglipat ni Lorna Tolentino na huling napanood sa ABS at ngayon ay katunggali ni Alice Dixson sa Glamorosa.

9. ANDI EIGENMANN AT ALBIE CASINO
Taun-taon, maraming artistang babae ang nabubuntis; mayroong kasal at mayroong magka-sintahan pa lang pero ang pagbubuntis ni Andi Eigenmann sa  upcoming matinee idol na si Albie Casino ang kaisa-isang may pahulaan muna bago pangalanan ang ama.

Girlfriend na ng non-showbiz guy mula sa angkan ng mga Ejercito, hindi mapangalanan ni Andi kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya nguni’t naging maanghang ang mga binitiwang salita ng magulang nito.

Si Albie, nanatiling tahimik at umalma lang nang natanggal ang ilang proyekto sa kaniya tulad ng isang pelikula sana sa Star Cinema at naramdaman niya na parang siya ang ‘natalo’ sa sitwasyon kaya nagsalita na rin siyang pangalanan ang ama ng pinagbubuntis ng dating girlfriend.

Naisilang na si baby Adrianna Gabrielle, ang anak nina Andi at Albie at kung ipakilalala man ni Andi sa kanilang anak ang tunay nitong ama, taon muna ang bibilangin para masagot ito.

8. SARAH GERONIMO-RAYVER CRUZ-CRISTINE REYES
Mananatili na lang sanang sikreto ang naunsyaming relasyon ng Pop Princess na si Sarah Geronimo kay Rayver Cruz kung hindi lang nagbiro ang singer sa isang rehearsal noon sa ASAP Rocks na ikinairita ng current girlfriend ng aktor na si Cristine Reyes kaya sinagut-sagot niya ito sa Twitter.

Walang Twitter si Sarah kung kaya’t ang mga tagahanga niya ang nagtanggol sa kanya.

Nasangkot pa ang mga “ate” ni Sarah na sina Megastar Sharon Cuneta at Junior Superstar Judy Ann Santos na tahasang kumampi kay Sarah nguni’t ang maganda nga, hindi talaga nagpatalo ang kapatid ni Ara at hinarap ang lahat para sa pag-ibig kay Rayver.

Sa ending, si Sarah ang humingi ng dispensa sa nangyari.

7. MARIAN RIVERA – HEART EVANGELISTA
Dating magkaibigan na nagkaaway, tanging ang sagutan sa print nina Marian Rivera at Heart Evangelista ang nakagawa ng isang hit movie, ang Temptation Island, kung saan din naman nagsimula ang away.

Mainit ang location, uminit ang naging sitwas-yon sa kampo nila. May nagpaparinig daw na mga fans ni Heart kay Marian kaya nag-usap ang dalawa. Nagkaayos sila.

May nasabi si Heart kung paano niya kinatuwa ang unang pagsasama nila ni Dingdong Dantes, boyfriend ni Marian at hindi raw ito nagustuhan ni Marian.

Sa kampo naman ni Marian, si Heart naman daw ang unang nagselos nang sinabi ng kaniyang boyfriend na si Daniel Matsunaga na kung ito ang papipiliin, si Marian ang gusto nitong maka-partner. Nagkaayos muli ang dalawa at natapos ang pelikula.

Pag-uwi sa airport, may sumalubong na pulis para paghiwalayin ang dalawa. Umiyak na lang si Heart, nagulat si Marian. May sinabi raw si Marian kay Heart, may sinabi naman daw ang ina ni Heart kay Marian.

Payag nang makipag-ayos ni Heart. Nanatiling tahimik si Marian. Isang araw, magkikita at magkikita ang dalawa sa isang show ng GMA at kung magkakaayos sila, si Batman na lang ang makakasagot nito.

6. CLAUDINE BARRETTO – RAYMART SANTIAGO
Bumungad sa news ang umiiyak na si Claudine Barretto na may kasamang abogado. Nawala raw ang pera sa joint account nila ng asawang si Raymart Santiago.

Matapos ito ay nagkaroon ng news blackout sa mag-asawa at kahit ang ate nitong si Gretchen Barretto ay matipid ang naging salita.

Nabura naman ang lahat ng espekulasyon nang magkasama ang mag-asawa sa isang apat na linggong episode ng horror anthology na Spooky Nights.

Marami ang naging saksi kung paano maging sweet ang mag-asawa on and off the camera.

5. RUFFA GUTIERREZ-JOHN LLOYD CRUZ-SHAINA MAGDAYAO
May-December secret affair ang pinagsamahan nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz na nauwi rin sa wala dahil sa pagiging palainom ng number one actor ng ABS.

Naging sina Lloydie at Shaina pero maeskandalo ang naging pagsasama ng dalawa kasama na ang sinasabing “vaginal lock” at ang pagseselos ni Shaina kay Ruffa. Diumano, patuloy na nagti-text si Lloydie kay Ruffa kahit nasa ibang bansa ang panganay nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

Hindi na yata makapagtimpi si Shaina, sa isang affair na nagkita-kita ang dalawa, bago matapos ang gabi, ginamit ni Shaina ang phone ni Lloydie para ma-text si Ruffa ng hindi kagandahang sasalita kung kaya’t umalma si Ruffa at isiniwalat ang lahat sa kaniyang sariling show sa TV5 na Paparazzi.

Hindi nakasagot si Lloydie, mas lalo na si Shaina.

4. ANNABELLE RAMA – NADIA MONTENEGRO
Humiram daw ng isang milyon si Nadia sa GMA bilang parte ng kontrata ng anak na si Ynna Asistio sa GMA at pinayagan naman siya ni Annabelle Rama.

Pero nang singilan na raw ng komisyon para sa isang milyon, ayaw na raw magbayad ni Nadia.

Usapang pera nagsimula, nauwi sa demandahan nang sinampahan ni Nadia si Annabelle na kambal na reklamo, forgery of signature and child protection law.

Inilabas lahat ni Annabelle ang reklamo niya kay Nadia sa Twitter at nagkaroon siya ng pangatlong demanda, ang libel.

Nagkita ang dalawa sa korte, hindi nakapagtimpi si Annabelle at nakasuhan na naman siya ng asawa ngayon ni dating Mayor Boy Assistio.

Sumagot na si Annabelle ng dalawang demanda kay Nadia, attempted kidnapping at qualified theft.

Sumasagot-sagot na ang mga anak ni Nadia pati ang kapatid nito at hindi rin naman nagpapatalo ang mga anak ni Annabelle.

3. RAM REVILLA
Nanggulat ang balitang nabaril sa mismong bahay nina Ram ang anak ni dating Senador Ramon Revilla Jr. at kapatid ni Bong Revilla pati ang girlfriend nitong dating artista na si Janelle Bautista. Nasawi si Ram at naging kritikal si Janelle.

Kalilibing pa lang ni Ram at nasa ospital pa ang girlfriend na walang kaalam-alam na patay na pala ang kasintahan, hinuli ang nakababatang kapatid ni Ram na si Ramon Joseph sa salang murder ng sariling kapatid. Umalma ang ina nilang si Genelyn Magsaysay.

Kikuwestyunin ang isa pa nitong kapatid na si Ramona na dapat sana’y witness sa kaso, nagsali-saliwa naman ang mga statements niya hanggang lumipad na lang ito patungong Turkey para samahan ang asawa nito.

Sa huli, pati ang isa pa nilang kapatid na si Gail, nasangkot na rin dahil sa isang video posted na ang sinasabing pumatay, best man pa ng kasal ni Gail. Ang dahilan, pera.

2. PIOLO PASCUAL-KC CONCEPCION
Ito ang relasyong walang naniniwalang magtatagal at nang magtapos na nga, ang babae ang may pinakamalakas na iyak.

Sa isang almost-tell-all interview sa The Buzz, halos sabihin na ni KC Concepcion ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay—hindi raw niya maibigay ang hinahanap ni Piolo.

Isang salita na lang ang halos hindi nabanggit sa interview, kung bakla ba si Piolo o hindi. Ang mga kampo ng dalawa, halos magpatutsadahan sa Twitter at nagkampi-kampi na ang mga magka-Kapamilya.

Ang matindi pa, nadawit ang pangalan ni Mark Bautista na matagal ng Kapuso bilang third party raw, hindi kay KC kundi kay Piolo.

Walang binanggit si KC pero nahuli raw nito ang dalawa. Wala namang makapagpatunay ng balita dahil wala ngang nangahas na sumagot.

Hindi sumagot si Piolo at nanatili itong gentleman.

1. RHIAN RAMOS-MO TWISTER
Sa mundo ng showbiz, mananatiling tsismis at blind item ang mga sinasabing abortion na sinagawa ng isang babaeng artista nguni’t binasag na ito ng isang Mo Twister nang mag confess ito sa isang video cam ng ginawa nila ni Rhian Ramos at ‘hindi sinasadyang’ kumalat sa internet.

Nasaktan daw ng sobra si Mo nang magkahiwalay sila ni Rhian at pinabasa niya sa buong mundo sa pamamagitan ng kaniyang blogs kung gaano siya nasaktan at kung ano-ano ang pinaggagawa nila.

Eskandalong puwede namang maayos, lumala pa ang gulo nang patago pa ring magkaayos ang dalawa at magkahiwalay na naman. Sa huling pagkakataon, nagkaroon na ng pananakot.

May isang video raw na ilalabas kung saan maikikuwento ang diumanong ginawang abortion ng dalawa sa ibang bansa. Natimbre ang lahat at ang lahat ay nag-abang.

Nag-quit sa lahat ng trabaho sa showbiz si Mo at lumipat ng New York, saka lumabas ang isa pang video na hindi man malaswa ay nakakasamang puri pa rin kay Rhian. Sabi ni Mo, wala siyang alam sa video na lumabas.

Tuloy na ang mga kaso laban kay Mo na pabalik-balik sa Pilipinas at Amerika ngayon. Si Rhian, magpapahinga na rin daw. Pero ang balitang may iba pang lalabas na video, nagbabanta muli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming nag-split, nagkabugbugan, nagkaiyakan pero ang sa kanila lang nina Rhian at Mo ang may kumpletos rekados: blog confession, videocam scandal at ang isa sa pinaka-taboo word sa showbiz—abortion.

May lalaban pa ba rito bilang pinakamalaking balita ng 2011? Maraming napaghinalaang bakla pero isa lang ang umamin sa abortion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending