DEAR madam,
Good day.
Naging member po ako ng SSS nang magsimula akong magtrabaho noong 2000.
Nag-resign po ako sa trabaho noong 2006 para mag-abroad na tumagal ng tatlong taon. Sa loob po ng panahon na iyon ay itinuloy po ng nanay ko ang paghuhulog sa SSS ko. Pinakamababang contribution amount po ang binabayaran niya buwan- buwan.
From employed ay naging voluntary member na lamang ako. Hanggang ngayon po ay tinutuloy ko po ang paghuhulog sa SSS ko bilang voluntary member.
Kasalukuyan po akong nagtatrabaho dito sa Dubai.
Ang mga tanong ko po:
1. Kailangan ko po bang i-update ang type of membership ko sa SSS from voluntary to OFW?
2. Paano po ito makakaapekto sa mga naihulog ko na mula nung mag-resign ako ng taong 2006?
Maraming salamat po sa paglilinaw.
Gumagalang,
Ritchie Rodriguez
REPLY: Ito ay kaugnay sa mga katanungan ni Ritchie Rodriguez tungkol sa kanyang membership sa SSS.
Ayon kay Ritchie, siya ay nagtatrabaho sa Dubai. Ang mga OFW na katulad ni Ritchie ay napapailalim sa voluntary membership program ng SSS. Dahil siya ay OFW kaya dapat lang na ang membership niya sa SSS ay bilang OFW din.
Para maging OFW member ng SSS, kaila-ngan lang i-check sa portion ng SSS Form RS5 na nagtatanong ng “Type of Payor” ang box na “Overseas Filipino Worker”.
Nais po naming ipaalam kay Ritchie na simula Enero 2014, ang minimum monthly contribution para sa mga OFW ay P550 batay sa P5,000 Monthly Salary Credit (MSC) at ang maximum naman ay P1,760 batay naman sa MSC na P16,000.
Ang SSS ay nagbibigay ng mga espesyal na programa para sa mga OFW members katulad ng direct housing program, extended deadlines sa pagbabayad ng contributions at Flexi-Fund Program.
Para sa extended payment deadline, ang mga OFWs ay binibigyan ng pagkakataon na bayaran ang kanilang contributions mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon ng hanggang Disyembre ng parehong taon at ang mga hulog para sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon ay maaari pang bayarang hanggang Enero 31 ng susunod na taon.
Ang Flexi-Fund naman ay isang programa para sa mga OFWs kung saan ang anumang halaga na sosobra sa maximum na hulog sa SSS (P1,760) ay inilalagay sa isang pondo na kumikita ng higit na mas mataas kumpara sa regular savings account. Ang pondo ng member sa programang ito ay maaari niyang gamitin sa anumang purpose. Maaari niya rin itong ma-withdraw ng member kung kailangan niya gusto subalit ito ay magbabayad ng kaukulang termination fee kapag kinuha ito ng wala pang isang taon.
Tinatanong din ni Ritchie kung ang mga minimum contributions na binayaran ng kanyang ina ay makakaapekto sa kanyang dating hulog.
Ang unang epekto ng ihinulog na contributions ng ina ni Ritchie ay may kinalaman sa dami ng kanyang hulog.
Dahil sa pagpapatuloy ng paghuhulog, nadagdagan ang kanyang contributions at napanatiling active ang status ng kanyang membership sa SSS.
Ang pangalawang epekto ay sa mga benefits na maaaring matanggap ni Ritchie sa hinaharap. Ang halaga ng benepisyo sa SSS ay batay sa dami at halaga ng ating contributions. Kung mababa ang hinuhulog nating contributions, mababa din po ang pagbabasehan na MSC sa pagko-compute ng ating mga benefits.
Ngunit dahil sa may specified na minimum contribution ang mga OFW members ng SSS na sa ngayon ay P550 kada buwan, ganito na ang kailangan ihulog kada buwan ni Ritchie. Dahil sa mas mataas na ito kumpara sa dating hulog niya, tataas din ang magiging basehan ng computation ng mga benefits niya sa hinaharap.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang mga katanungan ni Ritchie.
Salamat sa inyong pa-tuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
Media Affairs Department
Social Security System
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.