TNT, SMB pinapaboran kontra Ginebra, Air21 | Bandera

TNT, SMB pinapaboran kontra Ginebra, Air21

Barry Pascua - April 22, 2014 - 03:00 AM


Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Air21 vs
San Miguel Beer
8 p.m. Barangay Ginebra vs Talk ‘N Text

KAPWA may twice-to-beat advantage at pinapaboran ang San Miguel Beer at Talk ‘N Text kontra magkahiwalay na kalaban sa quarterfinal round ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Makakatunggali ng Beermen ang Air21 sa ganap na alas-5:45 ng hapon samantalang makakaduwelo ng Tropang Texters ang Barangay Ginebra San Miguel sa ganap na alas-8 ng gabi.

Tinapos ng San Miguel Beer ang elims sa record na 7-2 para sa ikalawang puwesto sa likod ng Talk ‘N Text na nakakumpleto ng nine-game sweep. Kapwa naman nagtapos ang Gin Kings at Express sa kartang 3-6.

Bago nagkaroon ng break ang torneo para sa cuaresma ay dinaig ng Beermen ang Express, 93-85, noong Miyerkules. Sa larong iyon ay lumamang ang Air21 ng 17 puntos, 72-55, sa pagtatapos ng ikatlong yugto.

Subalit nalimita ng Beermen ang Express sa 13 puntos sa ikaapat na yugto upang magwagi. Hangad ni San Miguel Beer  coach Melchor Ravanes ang mas kumbinsidong panalo bagamat alam niya na matindi ring kalaban ang Express.

Sa kabilang dako, hihimukin ni Air21 coach Franz Pumaren ang kanyang mga bata na mapanatili ang kanilang konsentrasyon sa kabuuan ng laro dahil alam niyang kaya nilang talunin ang Beermen.

( Photo credit to inquirernewsservice )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending