Mga beking ayaw pabuking nakaka-relate kay Alwyn Uytingco | Bandera

Mga beking ayaw pabuking nakaka-relate kay Alwyn Uytingco

Ervin Santiago - April 21, 2014 - 03:00 AM


Maging ang Kapatid actor na si Alwyn Uytingco na bida ng Beki Boxer ng TV5 (umeere gabi-gabi tuwing alas-7) ay hindi pinalampas ang kapana-panabik na laban ng kanyang idolong Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nitong nakaraang Linggo (Abril 13).

Kahit pa nasa Dubai para sa isang espesyal na pagtatanghal ng Tropa Mo Ko Unli, naging kasama si Alwyn ng milyong-milyong mga Pilipino sa buong mundo na tumutok sa pagkapanalo ng People’s Champ sa kanyang laban para dangal ng bansa sa boksing.

Maging sina Christian Vasquez, Cholo Barretto at ang dating boksingerong si Onyok Velasco, kasama ang buong staff at crew ng Beki Boxer ay tumutok din sa laban ni Manny at ni Timothy Bradley Jr. sa ginanap ng VIP screening ng nasabing laban sa Solaire sa may Parañaque.

In fairness, patuloy na dumarami ang manonood ng Beki Boxer sa TV5, ayon sa mga nakakausap namin, aliw na aliw sila sa kuwento ng serye, feel good lang daw kasi ang takbo ng istorya nito, at napakagaling daw talaga ni Alwyn bilang boksingerong pilit na itinatago ang tunay na kasarian.

Kuwento nga ni Alwyn, marami raw ang nakaka-relate sa character niya sa Beki Boxer, kaya tuwang-tuwa sila sa mga napapanood nilang mga eksena dahil parang buhay daw nila    ang napapanood nila sa TV.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending