Kim super pakipot kay Xian | Bandera

Kim super pakipot kay Xian

|December 28,2011
facebook
share this

Kim super pakipot kay Xian

- December 28, 2011 - 04:33 PM

Mukhang nagpapakipot nang bonggang-bongga itong si Kim Chiu sa rumored suitor niyang si Xian Lim na leading man din niya sa seryeng My Binondo Girl na napapanood pa rin sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

May nasagap kaming chika na true raw na pinopormahan na ni Xian si Kim pero ayaw lang ibandera ng aktor dahil nahihiya raw siya kay Kim.

Ayon sa ating source, super pakipot naman daw itong ex-girlfriend ni Gerald Anderson at ayaw pang bigyan ng pag-asa si Xian.

May chika kasi na talagang umiiwas muna si Kim sa mga boys dahil ayaw niyang mawala sa focus ang kanyang trabaho.

Malamang daw na pakiusapan niya one of these days si Xian na huwag na muna silang magseryoso sa lovelife.

Say naman ng isa pa nating spy, mukhang seryoso na talaga si Xian kay Kim at hindi raw ito titigil hangga’t hindi niya napapasagot ang kanyang leading lady.

Siyempre, kilig na kilig naman ang fans ng dalawa, botong-boto kasi ang fans ni Kim kay Xian at okay na okay sa kanila na ito ang ipalit niya kay Gerald.

Anyway, matapos nga ang kinakiligang kasal-kasalan sa China ng mga karakter nila Kim at Xian sa My Binondo Girl, napipintong magaganap pa ang isang seremonya sa Pilipinas.

Ito ang panibagong problemang haharapin nina Jade (Kim) at Andy (Xian) upang maisakatuparan ang plano nilang makuha ang mana ni Andy at tuluyang maisalba ang kanilang kompanya.

Maibalik kaya ng dobleng kasalan ang tamis ng kanilang pag-iibigan? Tutukan ang mas nakakikilig na mga eksena sa top-rating Primetime Bida teleseryeng My Binondo Girl, gabi-gabi, after Budoy sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending