‘Let It Go’ ni Julie Anne mali-mali; walang binatbat kay Sarah | Bandera

‘Let It Go’ ni Julie Anne mali-mali; walang binatbat kay Sarah

Alex Brosas - April 15, 2014 - 03:00 AM

JULIE ANNE SAN JOSE AT SARAH GERONIMO

Umabot na ng more than two million ang likes ng cover version ni Sarah Geronimo ng “Let It Go”. Ang daming nagkagusto sa kanyang version. Maging kami ay nagustuhan namin ang kanyang pagkanta, halatang inspired siya sa song maybe because its lyrics is close to her heart.

Si Julie Anne San Jose rin ay may production number kasama ang ilang singers sa Sunday show ng GMA. Sa kanyang segment ay kinanta niya ang ilang bahagi ng song, hindi kagaya kay Sarah na full version ang inawit.

But Julie Anne seemed to have missed the right words in the lyrics. Ang daming umalipusta sa kanya dahil doon.

‘Yun namang Facebook fan page account na obviously ay maka-GMA ay panay ang lait kay Sarah sa kanyang version ng “Let It Go”. Sinagot ito ng Facebook Fan page account na maka-Pamilya ng ganito: “WORST VERSION daw yung LET IT GO ni SARAH G sa ASAP19.”

“Eh ano yung BEST VERSION? Yung pinangtatapat nyo sa POPSTAR ROYALTY na si JULIE ANN SAN JOSE? Kung sa bagay, sabi nyo naman dapat may ORIGINALITY! Kaya si JULIE ANN gumawa ng sariling version at lyrics.”

Nagtaray rin ang Sarah fans at binash talaga si Julie Anne.

“Di rin naman makapal mukha ng mga Kapuso nyan ha. Napanood ko nga version ng pinagmamalaki nilang si JASJ at nahiya naman ako sa lyrics kasi sariling version nya nga at di ko maintindihan. hahahaha. Mukhang lashing yata yung shinger na yun!” one fan wailed.

“Kung worst yung version ni Idol bat umabot ng sobra sa million yung hits nun.. Sguro inulit-ulit nilang panuoorin kasi insecure sila. Hahahahaha! Mga walang magawa sa buhay! Get a life, please!” mataray na pahayag naman ng isang avid fan ni Sarah.

Merong isang guy na tila nabuwisit na sa panglalait kay Julie Anne kaya naman ipinagtanggol niya ito.

“Hoy! Mga Wlang Mgwa Sa Buhay! Inaanu B Kau Ni Julie Anne San Jose:) May Nag Post Lng Senyu Na Isa Umagree Aman Kau

Sa Tsismis Nya Bkit Kc Kapamilya Sya? Wag Nga Kaung Bweset Ka2asar Kau Ah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tsaka wag nyung insulthin c Japs. Wla syang gngawa senyung mga fans ni Sarah. At For Ur Information Idol Din Aquh Ni Sarah Nhu. Kau lng ang gmagawa ng ikasi2ra ng Idol Nyu Nhu. Isip2 Din Kc Pag My Time Bgo Mam Bush. Pare2has Lng Clang Singer Kya Pwdi Bng 2mgil Na Kau. Kainis Tsk!” pagtatanggol pa ng maka-Julie Anne.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending