Sam marami pang inililihim tungkol kay Anne
Parang pinatotohanan ni Sam Concepcion na nagsisinugaling si Anne Curtis, `no?
We were not in the presscon of Sam for a product endorsement pero according to those who were there, Sam admitted that there was a confrontation between him and Anne sa birthday party ni Vice Ganda. Not doing much details, he also made it clear that okay na sila ni Anne and he knows where she’s coming from supposedly.
Hindi na in-elaborate pa ni Sam ang mga detalye pero kung matalino ka at marunong magbasa ng mga bagay-bagay ay lumalabas na nagsisinungaling si Anne sa pagsabi niyang walang issue sa kanila ni Sam.
Ang tono nga ng mga sagot ni Sam ay parang naiintindihan niya ang ginawa ng ate ng girlfriend niya. Parang siya pa itong may maturity na intindihin na lamang ang ginawa ni Anne noong gabing yon. At kung totoo man ang mga linyang napabalitang pinagsasabi ni Anne, charge to experience na lang ang nangyari. Siguro ay pinayuhan din si Sam ng mga taong malapit sa kanya “to take the high road” sa insidenteng naganap because as we all know, coming from a cultured and learned family si Sam.
Oh well, sana lang ay matuto na ang mga involved dito na mas maging responsible sa mga actions na ginagawa nila. Ang mga artista ay role model pa din ng mga kabataan kaya sana alalay lang sa inom at pananalita. Bilib kami kay Sam pero mas bibilib kami kung outright niyang sinabi what really happened and transpired between them but then we know it will not happen dahil pareho sila ng network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.