Pacquiao babawi kay Bradley | Bandera

Pacquiao babawi kay Bradley

Mike Lee - April 13, 2014 - 03:00 AM

ANG mga kamao nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley ang siyang magsasalita ngayon  upang malaman kung sino sa dalawa ang makakakumpleto sa hanap na panalo na gagawin sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.

Nasa pinakamagandang kondisyon ang pangangatawan ng dalawang boksingero at tiniyak nina Pacquiao at Bradley na mangyayari ito dahil kapwa may nais na mapatunayan sa harap ng libu-libong manonood sa pa-boxing na handog ng Top Rank.

Para kay Pacman, ang mabawi ang nawalang World Boxing Organization (WBO) welterweight belt para maipakita na tunay na nabiktima siya ng maling hurado sa unang tagisan na nangyari noong Hunyo 2012 ang magpapasiklab sa kanyang damdamin para sa hangad na kumbinsidong panalo kay Bradley.

Dominado ng Kongresista ng Sarangani Province ang naunang tagisan pero lumabas sa dalawang hurado na lamang si Bradley tungo sa split decision na pagkatalo.

Nagkaroon ng kontrobersya sa labang ito dahil lumabas sa binuong independent panel na kinatampukan ng limang judges na dapat ay unanimous decision ang ibinigay pabor kay Pacman.

“You’re going to see a very aggressive and exciting Manny Pacquiao because I don’t want to leave it to the judges’ scorecards,” deklarasyon ng Pinoy boxing superstar na kilala rin sa tawag na Pambansang Kamao.

“If I can get the knockout then that’s what I’m going for because I’m going to show the world that the best is yet to come from me,” dagdag nito.

Nagsimula ang pagsasanay sa General Santos City at tinapos sa Wild Card Gym, may limang magkakaibang sparmates ang kinuha pa ni trainer Freddie Roach para matiyak na lahat ng aspeto na puwedeng ilabas ni Bradley ay napaghandaan ni Pacquiao.

Ang bunga ng masinsinang pagsasanay ay nakita sa weigh-in kahapon  nang tumimbang si Pacquiao sa 145 pounds.
Napuno ng mga panatiko ni Pacman ang lugar na pinagdausan ng weigh-in at  may iba pa na nagdala ng bandila ng Pilipinas na may nakasulat na ‘Pacquiao for President’.

“I felt like I’m the hometown boy,” nasambit ni Pacquiao. Hindi naman nagpapahuli ang walang talong si Bradley na mas mabigat lamang ng kalahating libra sa katunggali sa 145.5 pounds na timbang.

Hindi rin makalimutan ni Bradley ang pagdududa sa kanyang kahusayan bunga ng kontrobersya sa unang tagisan at ito ang siyang pinaghuhugutan niya ng lakas para maipanalo ang labang ito.

Ito na ang ikatlong title defense ni Bradley sa titulo sa 147-pound division at galing siya sa unanimous decision panalo kay Ruslan Provodnikov at split decision tagumpay kay Juan Manuel Marquez.

Ngunit walang halaga ito dahil ang makukuhang panalo kay Pacquiao ang seselyo sa kanyang estado bilang isa sa pinakamahusay na boksingero sa welterweight division.

“It’s all about focus. It’s all about your heart’s desire,” pahayag ni Bradley. Aminado si Bradley na nakita niya sa mata ni Pacquiao ang matinding determinasyon pero hindi siya nababahala rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I have confidence going into this fight. I beat him before and I can beat him again,” dagdag nito.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending