HOROSCOPE, April 11, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, April 11, 2014

Madam Sophia - April 11, 2014 - 03:01 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Malapit na ang full moon, may malaking pagbabagong magaganap! Ang lahat ng mga suliranin noong nagdaang araw ay unti-unti nang mapaparam. Sa pag-ibig, sa tabing dagat mainit na romansa ang kasunod. Sa pinansyal, dagdag na kita ang makakamit. Mapalad ang 2, 11, 25, 33, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Pink at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Lumayo ka sa mga taong malas, mahawahan ka lang nila. Kumapit sa mga taong maraming salapi dahil dadami rin ang iyong pera. Sa pag-ibig, huwag kukuha ng kasuyo na may history ng broken relationship, magkakahiwalay din kayo. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Silver at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Walang kaabog-abog ay biglang mapapasaiyo ang magandang kapalaran. Pera at masayang pag-ibig ang darating. Ganoon pa man ay laging may naka-ambang tukso, huwag kang kukurot, mag-ingat na mahulog sa immoral na relasyon. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yama-Yasoda-Om.” Lilac at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Huwag masyadong magtiwala sa mga kaibigan, may babala na maloloko ka na naman! Sa pinansyal at pag-ibig, isa lang ang dapat pagkatiwalaan – ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre. Mapalad ang 6, 9, 18, 22, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Nama-Om.”  Violet at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—   Pagmalasakitan ang mga kadugo at kamag-anak, dahil sa bandang huli sila rin ang tutulong sa iyo. Sa pag-ibig, ibahagi sa lahat ang iyong pagkalinga  upang mas madali kang yumaman at lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at peach ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—   Huwag sabayan ng init ng ulo ang mainit na panahon. Aangat ang kinikita sa pamamagitan ng diplomasya at pagiging mahinahon. Sa pag-ibig, upang lumamig ang ulo ay yayain munang kumain ng ice-cream ang kasuyo at saka kayo mag-swimming. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Naranda-Om.” Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Huwag magtanga-tangahan, matalino ka naman, bakit hindi mo paunlarin ang inyong buhay? Mula ngayon, puro pera ang isa isip, makikita mo paglipas ng anim na taon, mayamang-mayaman ka na. Mapalad ang 8, 17, 24, 33, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Harum-Harim-Aum.”  Blue at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—   Umiwas sa mga taong bolero at maraming kuwento. May babala na muli ka na namang mararaket ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sundin ang mungkahi ng kasuyo upang maingatan ang kakaunti n’yo na lang na savings. Mapalad ang 7, 16, 25, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Yama.” Beige at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Paghandaan ang pagbabalik ng minamahal! Sa pinansyal at pag-ibig, kahit mahirap ang buhay ay bigyan ng isang romantic na selebrasyon ang kanyang pagbabalik. Kahit kuripot ka, pakainin sa class na restaurant ang kasuyo. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om-Nameh” Lilac at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Uunlad ka kung maitutuwid at maitama mo muna ang iyong mga pagkakamali. Kapag na-realize mo ng may mga pagkukulang ka sa iyong kasuyo, humingi ka ng “sorry”. Sa ganyang paraan ay muling iinit ang nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 4, 13, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dosya-Om.”  Yellow at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— May magandang kapalarang darating kung ang araw na ito ay sasalubungin nang may ngiti at galak sa iyong puso. Batiiin ng buong galak ang mga nakatataas sa iyo upang umentuhan ka nila ng dagdag na suweldo. Mapalad ang 5, 13, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Gray at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa kalagitnaan ng buwan ng Abril  hanggang sa katapusan ng Mayo, darating na ang suwerte mo sa pag-ibig at sa salapi. Kapag naging masagana ang buhay ay magtipid upang hindi mawaldas ang pinaghirapan. Huwag mo na ring pakawalan ang isang Virgo, yapusin mo siya nang todo. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yoti-Bhama-Om!” Gold at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—    ‘Huwag mangako kung hindi naman kayang tuparin! Lumalabas kasing nagmamayabang ka lang. Sa pag-ibig at pinansyal, panatilihin ang pagpapakumbaba upang mas madali yumaman at lumigaya. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Bhakti-Yoga-Om.” Yellow at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending