Mahiwagang txm8 | Bandera

Mahiwagang txm8

Joseph Greenfield - April 10, 2014 - 02:05 PM

Sulat mula kay Anna Lisa ng Barangay Dulapo, Oroquieta City
Dear Sir Greenfield,
Nahihiwagaan ako sa textmate ko.  Ayaw ko sanang patulan ang kanyang kate-text pero madalas siyang magpadala ng load kaya napipilitan akong sagutin ang kanyang mga text.  Minsan ay P300 ang load na ipinadadala niya.  Malaki na ito para sa aking lumaki sa napakahirap na pamilya.  Ewan ko ba.  Kahit anong gawin na pagsisikap ng aming angkan ay tila isinumpa kami na hindi na makaaahon sa kahirapan.  Tulad ng pinsan ko na nag-Saudi. Minalas siya at kami pa ang naghanap ng pera para lamang siya makauwi at nang makauwi ay ipinagamot pa namin sa ospital.  Dito sa amin ay binasted ko ang lahat ng manliligaw ko dahil wala naman silang pera.  Ano ang kinabukasan ko sa walang pera?  Eh di, wala.  Gusto na ng textmate ko na mag-eyeball kami pero postpone lang ako nang postpone.  Nang mag-text siya na alam na niya kung saan ako nakatira ay kinabahan na ako.  Ano ang gagawin ko?
Umasa,
Anna Lisa ng Barangay Dulapo, Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kung sakaling maging boyfriend mo ang mahiwagang textmate, tiyak ang magaganap – kayo na nga ang magkakatuluyan!
Cartomancy:
Pogi, guwapo at nakapag-aral ang nasabing textmate dahil ang lumitaw ay Jack of Hearts. Habang ang Nine of Hearts naman ang nagsasabing hindi magtatagal, mabubuo ang masaya at matamis na pagsusuyuan, na hahantong upang tulad ng iyong inaasahan, siya na nga ang magiging first boyfriend mo. At sa piling niya ayon sa Queen of Clubs, tunay ngang magiging maligaya ka. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending