Gary pinayuhan si Daniel para mas maging astig na singer | Bandera

Gary pinayuhan si Daniel para mas maging astig na singer

Ervin Santiago - April 09, 2014 - 03:00 AM


MALAKI ang paniniwala ni Gary Valenciano na malayo pa ang mararating ng dalawang bagets actor at singer na sina Danil Padilla at Sam Concepcion. Inamin ni Mr. Pure Energy na bilib na bilib siya sa talent ng dalawang Kapamilya stars.

Ipinagmalaki ni Gary na feeling niya, pwedeng-pwedeng maging singing superstar si Sam dahil kayang-kaya nitong maging total performer, kahit nga raw ang dalawang anak niya na sina Paolo at Gab Valenciano ay hangang-hanga sa leading man ni Julia Barretto sa seryeng MiraBella ng ABS-CBN.

“Yeah. Even Paolo my son, siya ‘yung nag-direct nung concert ni Sam Concepcion sa Music Museum and sa presscon namin he told the media na ‘I see in Sam Concepcion the way I see in my Dad,'” kuwento ni Gary sa Buzz ng Bayan kasabay ng pagsasabing, “So I think it’s not just the performance, I think it’s also in the way he was.”

“There was one time, si Gabriel, my other son, producer na siya ngayon, sabi niya ‘Dad narinig mo naba ‘yung kanta ni Chris Brown ‘yung may puro effects sa boses? Dad, narinig ko si Sam na ginagawa niya ‘yun kaso walang effects ‘yung boses.

Ginagawa niya talaga,'” tuluy-tuloy pang kuwento ni Gary. Sa katunayan,  ang tingin ni Gary kay Sam ay isa sa mga “most underrated singers” sa bansa, “Which is why I made him part of the show because sabi ko dapat may isang marunong sumayaw, marunong kumanta.”

Natanong naman si Gary kung nakakaramdam pa ba siya ng insecurity o takot na ma-upstage siya o mapalitan na ng bagong henerasyon ng singers, tugon ni Mr. Pure Energy, “No I’m excited about them, like Daniel Padilla.

I asked him one time before, ‘Daniel nagsusulat ka ba ng mga kanta?’  “Sabi niya ‘paminsan-minsan pero ano eh hindi ko matapos.’ I told him, ‘Don’t throw away the songs, that could be your biggest asset. ‘Yan ang magiging autograph mo sa puso ng mga fans mo,” paliwanag pa nito.

Anyway, bilang bahagi pa rin ng 30th anniversary celebration ni Gary sa showbiz, ngayong April 11 at 12 na magaganap ang bonggang concert ni Gary, titled “ARISE” sa Araneta Coliseum.

Bukod nga kay Sam, special guests din sa concert sina Sarah Geronimo, Rico Blanco, AKA Jam, Maneuvers, G-Force, Iya Villania, Gab Valenciano at Kiana Valenciano.

Ang kikitain nito ay mapupunta sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Siyempre, para sa lahat ng Gary V fans ang concert na ito dahil tiyak na bubuhayin muli ni Mr. Pure Energy ang mga walang kamatayang kanta niya na talaga namang sumikat nang bonggang-bongga, tulad ng “Natutulog Ba Ang Diyos”, “Shout For Joy”, ang classi hit na “Sana Maulit Muli”, “I Will Be Here”, “Take Me Out Of The Dark” at marami pang iba.

Para sa  ticket inquiries, visit lang sa www.ticketnet.com.ph or call lang kayo sa 911-5555. Ilan sa mga major sponsors ng show ay ang ABS-CBN, MyPhone, Jollibee, Alaska at ang Philippine Daily Inquirer bilang isa sa media partners ng “ARISE”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending