Kylie Padilla ayaw nang pabalikin ng ina sa Pinas | Bandera

Kylie Padilla ayaw nang pabalikin ng ina sa Pinas

Alex Brosas - April 09, 2014 - 03:00 AM


Ayaw nang pag-artistahin ng kanyang madir si Kylie Padilla. Nasa Australia ngayon ang aktres at nagpapalamig yata ng ulo bukod sa nagbabakasyon dahil sa lover’s quarrel nila ni Aljur Abrenica.

Nabasa namin sa isang popular website ang messages ng madir ni Kylie na ayaw na niya itong pabalikin sa basna. Mas gusto niyang makatapos ito ng pag-aaral kaysa magbalik sa showbiz.

Ang feeling ng nanay ni Kylie ay she’s better off as a private individual kaysa celebrity dahil nawawalan siya ng privacy at masyadong maintriga ang buhay-artista.

Teka, ano naman kaya ang masasabi ng ama niyang si Robin Padilla? Payag ba siyang hindi na mag-artista si Kylie?
At papayag din ba ang GMA 7 kung saan nakakontrata si Kylie?

Tanging ang dyowa lang ni Aljur ang makakasagot niyan. But some say na kaya raw ayaw nang pabalikin ni Liezel Sycangco ang anak sa bansa ay dahil sa nangyari sa dalaga at kay Aljur.

May kinalaman pa rin daw ito sa issue kina Ajlur at Geoff Eigenmann na nabalita ngang tinangkang ahasin si Kylie kay Aljur.
Though nag-sorry na nga si Aljur sa mga nasaktan niya when he had his interview sa Startalk kung saan naging emosyonal nga siya tungkol sa away nila ni Geoff. True nga kaya? Let’s ask Aljur again about this.

( Photo credit to kyliefanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending