Pinoy spikers sasagupa sa Mongolia sa AMCC | Bandera

Pinoy spikers sasagupa sa Mongolia sa AMCC

Mike Lee - April 08, 2014 - 03:00 AM


MAGKAROON ng makasaysayang kampanya ang plano ng PLDT Home TVolution Power Pinoys sa pagbubukas ng kampanya sa Asian Men’s Club Volleyball Championship ngayon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sasalang ang home team sa ganap na alas-2 ng hapon kalaban ang Mongolia at ang makukuhang panalo ay magtutulak sa koponang hawak ni coach Francis Vicente patungo sa quarterfinals sa ligang may ayuda ng PLDT Home Fibr at suportado pa ng Mikasa, Healthway Medical, Maynilad, Gerflor, Spurway, Senoh Equipment, STI, PSC, Pasay City Mayor Antonino Calixto at MMDA Chairman Atty. Francis Totentino.

Ang Pilipinas at Mongolia ay kasama ng Iraq sa Group A at ang mangungunang dalawang koponan matapos ang group elimination ang siyang aabante sa knockout round.

Nauwi sa tatlong koponan lamang ang kasali sa grupo dahil umatras ang Kuwait. Ito ang unang pagkakataon na makakasali ang Pilipinas sa Club Championship kaya’t ang makukuhang panalo ay magpapalalim pa sa kasaysayan na maiuukit ng pambansang koponan.

Sa ganap na alas-2 ng hapon itinakda ang labanan at sa ganap na alas-12 ng tanghali ay pormal na bubuksan ang liga na lalahukan ng 16 na koponan sa makulay na opening ceremony.

Maghaharap ang Vietnam at Al-Zahra ng Lebanon sa Group B dakong alas-4 ng hapon para sa huling laro sa MOA Arena.
“If we lose this game, it will be a lot stiffer to go to the next round.

We will do everything to win this game,” wika ni Vicente  sa pulong pambalitaan kahapon sa Mandarin Hotel sa Makati City.

( Photo credit to Rey Nillama )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending