Giginhawa rin | Bandera

Giginhawa rin

Joseph Greenfield - April 08, 2014 - 03:47 AM

Sulat mula kay Amelinda ng Barangay Lumbo, Valencia City
Dear Sir Greenfield,
Laki kaming magkakapatid sa lola namin.  Nasa murang isip pa lang ako nang iwan kami ng tatay at nanay namin sa aming lola, na noon ay nakaririwasa sa amin.  Siya na ang kinagisnan kong magulang.  Dumanas ako ng hirap sa lola ko dahil napaka-istrikto niya.  Nang dahil dito ay napaaga ang aking pag-aasawa.  Sa una’y maalwan ang buhay ko pero nang di maglaon ay mahirap na at mas mahirap pa noon.  Magsisi man ako ay wala ring mangyayari.  Iresponsable at lasenggo pala ang napangasawa ko.  Pagkatapos ng sunud-sunod na anak ay nakipaghiwalay na ako.  Muli, umibig na naman ako at nakisama sa lalaking may asawa na.  Wala siyang permanenteng trabaho pero hindi naman siya nananakit.  Kailan ba giginhawa ang buhay ko?  Ako’y isinilang noong Hulyo 15, 1988.
Umaasa,
Amelinda ng  Barangay Lumbo,  Valencia City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung hindi ikaw ang makapaga-abroad, sigurado na isa sa iyong mga anak o ang mismong mister mo ang makapangingibang bansa na magiging simula upang unti-unti kayong maka-ahon sa kahirapan.
Cartomancy:
Ten of Diamonds, Eight of Diamonds at Four of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing 10 buwan ang lilipas simula ngayon, may kakaibang pangyayaring magaganap sa inyong buhay, na magdudulot ng positibong kapalaran. Sa panahong ito, tulad ng nasabi na, sa Palmistry, kundi ang isa sa mga anak ninyo ang makapaga-abroad maaring ikaw o kaya’y ang
iyong mister.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending