HOROSCOPE, APRIL 03, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, APRIL 03, 2014

Madam Sophia - April 03, 2014 - 01:43 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Habang nakasuot ng kulay na pula malaking halaga ang maibubulsa. Sa pag-ibig, habang nalalapit ang araw ng mga puso, habang nakapula darating ang isang kakaakit-akit na Libra. Mapalad ang 3, 12, 24, 30, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.” Bukod sa red buenas ang violet    
 
Aries – (Marso 21-April 19)— Kahit na may malaking gastusin, malaking halaga naman ng salapi ang biglang  darating.  Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalong kulay “red” siya ang tunay na nagmamahal sa iyo. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag makuntento sa pag-tunganga! Simulan na ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig ngayon palang iplano na ang gagawing pakikipag-date sa Valentine’s day. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Purple at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Mag-concentrate  sa iisang gawain lamang, sa ganyang paraan mas madali kang yayaman.  Sa pag-ibig ay ganon din, ibuhos ang lahat ng atensyon sa minamahal.  Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Silver at blue  ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—May babala ng karamdaman! Nangangailangan ng pahinga upang muling mapasigla ang pangangalakal. Sa pag-ibig, mag-request sa kasuyo ng pagkaing puro gulay at prutas upang ang immune system ay lumakas. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.”  Green at white ang buenas.
 
Leo – (July 23 – August 22)—Pakikipagsosyalan ang susi upang umunlad. Sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan, maaari mo silang pagkakitaan. Sa pag-ibig, sa isang social gathering makakatisod ka ng true love.  Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Kahit na maraming trabaho kailangang maglibang. Aanin ang bulto-bultong salapi kung magkakasakit ka naman? Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang pribadong swimming pool. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” White at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Oo nga’t hindi natatapos ang problema, pero kusa naman itong lumilipas. Tuloy mo lang ang nasimulang pagkakakitaan, malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, kahit maraming problema busugin parin ang kasuyo sa romansa. Mapalad ang 1, 10, 19, 34, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Beige at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag pagalinlanganan ang sariling kakayahan. Tiwala sa sarili, ang susi upang umunlad. Sa pag-ibig, kausapin ang sarili sa harap ng salamin bigkasin ang mahiwagang orasyon: “Ako ngayon ay may pambihirang kagandahan, maakit ko ang sinomang aking mapusuan!” Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 41 at 44.  Green at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa pag-ibig, kahit  pangit ang kasuyo, suwerte ka parin dahil pinagtiyagaan ka nyang mahalin. Sa pinansyal panatiliin ang ugaling “bukas-palad” upang lalo pang umunlad. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla-Om.” Red at black ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Mahirap magbago ng career! Ang mas mahalaga, makaipon ng maraming-maraming pera. Sa pag-ibig, tuloy parin ang relasyon matagal mo nang balak na takasan. Mapalad ang 5, 18, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Om.” Black at apple green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, kagaya ni Heart Evangelista at Kris Aquino, masusuong ka rin sa mga problemang may kaugnayan sa pakikipag-relasyon. Maiiwasan ang ganong kapalaran, kung pipili ka ng iibiging hindi sikat. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Red at lilac ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Maglinis ng mga abubot upang umaliwalas ang tahanan. Kapag malinis na ang lahat  sa iyong silid may isang di inaasahang romansahang darating. Sa pinansyal, isang negosyo lang ang dapat upang mas mabilis na umunlad. Mapalad ang 7, 16, 34, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Green at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending