Anne: Hindi ko nilait si Sam, sinabi ko lang alagaan ang baby ko!
KALAT na kalat na ang chikang tinalakan, tinarayan at ipinahiya ni Anne Curtis ang boyfriend ng sister niyang si Jasmine Curtis Smith na si Sam Concepcion.
Nangyari raw ang insidente noong March 31. Dumating si Anne sa birthday party ni Vice Ganda matapos itong mag-host ng 2014 Binibining Pilipinas pageant.
According to rumors, nakita si Anne na sinugod si Sam na nasa balcony noon ng venue at kausap ang ilang babaeng bisita.
Without batting an eyelash ay kaagad daw nagtaray si Anne kay Sam. Allegedly, Anne told Sam, “Why are you here? Who invited you? You are not classy enough to be here!”
Ang lakas daw ng boses ng Kapamilya actress at talagang dinig ng lahat ng nasa balcony ang kanyang boses. Talagang pahiyang-pahiya si Sam sa nakaw-eksenang ginawa ni Anne.
Hindi pa raw doon nagtapos ang pagtataray ni Anne. Nilait din daw nito ang car ni Sam, saying na luma na ito at mas luma pa sa kanyang pinakalumang sasakyan. How’s that for bitching?
Hindi pa raw nagpaawat si Anne and reportedly told Sam, “Ba’t mo niloloko ang kapatid ko?” Poor Sam, umalis na lang daw ito sa party dahil sa kahihiyang ginawa allegedly sa kanya ni Anne.
If this is true, ano naman ang karapatan niyang gawin ‘yon sa binata? Why does she have to ask kung bakit naroroon si Sam? Eh, di invited ito kaya naroon, common sense lang, ‘di ba?
One thing more, who is she to tell Sam that he is not classy enough para sa party ni Vice? Sa ginawa ba niya ay nagmukha ba siyang mas class?
Granted for the sake of argument nagkaroon ng lover’s quarrel sina Sam at Jasmine, sino siya para makialam? Porke kapatid siya babastusin na niya si Sam?
Sam was decent enough naman daw at hindi na pinatulan si Anne. But after this story came out, Anne immediately denied the issue. Sabi nito, never niyang nilait at hiniya ang aktor-singer sa party ni Vice.
She admitted na kinausap niya si Sam, but this is just to remind him na alagaan ang kanyang sisteraka.Sey nito sa kanyang Instagram account, “Of course I spoke to Sam that night and as always, I told him to take care of my baby sister.
Like any ate would do BUT to clarify I DID NOT say any of those words written in the article. Kahit tanungin nyo pa si Sam. Even he doesn’t know where those words came from. Basta.
Ang mahalaga Sam and I are ok. End of story, no issue here.” Ibig sabihin ba nito, kuryente lang ang lahat ng kuwentong ito? O, baka naman gawa-gawa lang ng kanyang bashers ang isyu?
But according to reports, may mga nakasaksi talaga sa ginawa ni Anne kay Sam. So, sino ang sinungaling?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.