MAHALAGA ang warranty certificate upang makalibre sa pagpapakumpuni at mga piyesa ang may-ari ng motorsiklo na kaagad masisira. Para sa texter…. 7621, ng Brgy. 10-A, First Poblacion, Davao City, ipina-alam namin ang iyong tanong sa head office ng manufacturer ng iyong motorsiklo sa Maynila.
Kaugnay naman ng sira sa piyesa ng iyong 125cc, maaari mong ipakita ang WRC o warranty registration certificate sa dealer na pinagbilhan nito kung iyo itong naitago.
Magagamit ang WRC sa iyong warranty claim. Asahan na susuriin ng mekaniko ng dealer ang iyong motor upang malaman kung ano ang sira nito at kung sumunod ka sa warranty requirement.
Kadalasan na nawawala ang warranty claim kung ang motorsiklo ay ginamit sa karera. Malamang na hindi rin aayusin ng dealer ang sasakyan kung gumamit ka o nagkabit ka nang hindi genuine part na maaaring makaapekto sa performance ng motorsiklo.
Maaari namang maglagay ng mga accessories sa motorsiklo pero kailangan na aprubado ito ng dealer. Posibleng madismaya ka kapag sinabi ng dealer na hindi na saklaw ng warranty ang iyong sasakyan lalo at kung tapos mo na itong bayaran pero pakatandaan na merong mga kondisyon ang ibinibigay nilang warranty kaya marapat na alamin ito.
Kung ginawa mo nang racing bike ang iyong motorsiklo, inaasahan na binago mo na ang ilang piyesa nito gaya ng suspension, ilaw at nagkabit ka na ng iba pang piyesa gaya ng mas malakas na busina.
Dahil dito maaaring sabihin ng dealer at ma-nufacturer na natanggal na ang warranty na ibinibigay nila. Isa sa mga modification na kalimitang tini-tingnan ng manufacturer at dealer ay ang handlebar.
Madalas kasong iniiksian at ibinababa ang handlebar kaya kakaila-nganin ding baguhin ang salamin sa magkabilang gilid nito upang makita ang likuran.
Sa mga motorsiklong pangkarera, ang salamin ay inaalis pa kaya mapanganib ang pagmamaneho nito lalo na sa mga lungsod.
MOTORISTA
XR 125
ANO ba ang masasabi ninyo sa Honda XR 125?
…5628
BANDERA
BAGONG variant ito ng XR series at medyo mataas ang presyo dahil dual run ito, bilang street bike at off road na suportado ng spoke wheels. Five speed ito at swingarm mono-shock sa likod, na ang ibig sabihin ay hindi puwede ang overload. Malaki ang tangke, 12 liters, at mataas (ground clearance 243mm). Bagaman five speed ay 1.0 liter lang ang engine oil capacity.
——————
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769
Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds. Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).
Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number). Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number). Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).
VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.