Darius Razon: Araw-araw pa rin akong umiiyak sa pagkamatay ng 2 anak ko! | Bandera

Darius Razon: Araw-araw pa rin akong umiiyak sa pagkamatay ng 2 anak ko!

Cristy Fermin - April 02, 2014 - 03:00 AM


Ipinalabas na kahapon ang unang sultada ng aming emosyonal na panayam sa singer-actor-politician na si Darius Razon.
Hindi madali ang kanyang pinagdadaanan mula nang pumanaw ang kanyang mga anak na sina Denver John at Darleen Gaye.

Napakasakit ng pagpapaalam ng kanyang mga anak dahil si Darleen ay pumanaw nu’ng taong 1992 hindi sa sakit, kundi sa isang sunog, at si Denver naman na parang tunay na rin naming anak ay namatay sa car accident.

Magmula nu’n ay hindi na naging normal ang takbo ng buhay ni Darius Razon. Araw-araw na niyang kayakap ang kalungkutan, kawalan ng pag-asa at malalim na pagtatanong sa Diyos kung bakit sa kanya naganap ang ganu’n kalungkot na kapalaran?

“Napakalungkot, napakasakit, araw-araw hanggang ngayon, lumuluha pa rin ako. Sa totoo lang, ‘yun ang dahilan kung bakit gusto kong kumakanta-kanta, naglilibang, dahil pagbalik ko sa bahay, lungkot na agad ang sumasalubong sa akin,” pagtatapat ni Darius Razon sa aming panayam sa kanya para sa “Cornered By Cristy” ng Showbiz Police.

May iniwan namang buhay na alaala sa kanya si Denver John, ang dalawang anak nitong sina Mikka at Monikka, ang kanyang mga apo ang itinuturing na mga kayamanan ngayon ng singer-actor-politician.

“Mahaba pa ang tatakbuhin nina Mikka at Monikka, nasa elementary pa lang sila ngayon, kaya ang palagi kong dasal, sana’y pahabain pa ng Diyos ang sindi ng kandila ng buhay ko,” makahulugang pahayag ng lumuluhang singer.

Pakitutukan po ang ikalawang bahagi ng aming emosyonal na panayam kay Darius Razon sa Showbiz Police ngayong alas kuwatro nang hapon sa TV5.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending