Colon Cancer (2) | Bandera

Colon Cancer (2)

Dr. Hildegardes Dineros - April 02, 2014 - 03:00 AM

KARAMIHAN ng kanser ng malaking bituka ay nakikita sa edad na 50 anyos pataas, sa mga matataba (obese o overfat), naninigarilyo, at mahilig kumain ng taba lalo na ng red meat at walang exercise.

Kadalasan ay lalaki ang tinatamaan nito.

Mahalaga ang screening para malaman nang maaga kung ang kanser ay nag-uumpisa na.

Pinakasimple lang ang fecal occult blood test (FOBT) sa fecalysis, ang pagsusuri ng dumi sa microscope para makita kung may dugo ito, dahil sa kadalasan ang bukol sa bitukang malaki ay nagdudugo kahit ito’y maliit pa dahil nga nagagasgas ito kapag dumadaan ang matigas na dumi.

Ang colonoscopy ay isang pamamaraan para matuklasan ang colon cancer.

Ito ay ginagawa sa pamamagitan na may isang maliit na kamera na ipinapasok sa puwit para makita kung may tumutubong bukol sa bituka. Kapag may nakita na kakaiba, ang bukol ay kinukuha at ipinapadala sa laboratory para eksaminin (biopsy).

Inirerekomenda na magkaroon ng taunang screening.

Ang mga sintomas ng may diperensya sa colon ay ang sumusunod: may dugo sa dumi, pagbabago ng gawi ng pagdumi gaya ng pagkakaroon ng diarrhea at constipation, pamamayat, bukol sa tiyan, lumalaki ang tiyan lalo na kung barado na ang pagdumi, kawalan ng gana sa pagkain at iba pa.

Maaaring masigurado ang diagnosis sa pamamagitan ng blood tests at X-ray, sabay biopsy sa colonoscopy.
Ang kanser ng malaking bituka ay maaring magamot kung ito ay matutuklasan nang maaga. Early diagnosis may mean cure for colon cancer.

Kaya nga dapat kayong maging mapagbantay sa inyong kalusugan sa malaking bituka sa pamamagitan ng pagkakaroon ng screening. Panatilihin ang malusog na timbang, itigil ang paninigarilyo, magehersisyo, iwasan ang alkohol at matatabang pagkain, mag-supplement ng calcium, Vitamin D at multivitamins na may folate.

Ang may colon cancer ay maaaring magamot sa pamamagitan ng surgery, chemotherapy, radiation treatment sa bukol at sa mga kalat nito.

Inaaanyayahan ko kayong lahat na sumanib dito sa ating kapisanan, ang BARANGAY KALUSUGAN, ang ating magiging ugnayan tungo sa pagpapaunlad ng ating kalusugan. Isulat, i-text, ang inyong mga tanong dito sa Bandera sa 09999858606 o 09277613906.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sundan din kami sa Facebook at Twitter: [email protected]. Isulat ang inyong mga tanong, karanasan at paniniwala tungkol sa kalusugan, at ibahagi pati na rin ang inyong mga gawain at pamumuhay na naghahatid ng magandang resulta sa inyong kalusugan para sa kaalaman ng lahat at lalo na sa inyong pansariling kaangkupan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending