Dalagang di makatulog (2) | Bandera

Dalagang di makatulog (2)

Joseph Greenfield - April 01, 2014 - 03:01 AM

Sulat mula kay Divina ng Barangay Bula, General Santos City
Problema:  
1.      Wala na sa kalendaryo ang edad ko at dahil diyan ay may mga gabi na hindi ako agad na makatulog sa kaiisip.  Maganda naman ako at kahit paano ay kumikita sa marangal na trabaho at disente pa.
2. Wala pa akong boyfriend, bagaman may nanliligaw din naman.  Kaya lang ang mga manliligaw ko ay walang trabaho o hindi regular ang trabaho.  Ako na lang ang dalaga sa tropa.  Kailan kaya ako makapag-aasawa?  Minsan ay hindi na boyfriend ang hanap ko kundi asawa na dahil sa aking edad.  May lalaki bang itinakda sa akin?
Umaasa,
Divina ng Barangay Bula, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius  (Illustration 1.) ang nagsasabing dahil sa sobra mong pagiging mapili at perpeksyonista, hindi ka tuloy makatagpo ng suweto at tamang lalaki para sa iyo. Kaya para makapag-asawa at magka-boyfriend, basta’t may dumating na lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries o kaya’y Leo, sunggaban mo agad.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing medyo matatagalan ka talagang magka-boyfriend at makapag-asawa, pero hindi naman ibig sabihin nito ay tatandang dalaga ka. Sa halip, isang lalaking isinilang sa petsang  3, 12, 21, o kaya’y 30 ang darating sa iyong buhay sa taon ding ito ng 2014.
Luscher Color Test:
Sa pagdating ng nasabing lalaki, siya ay nakasuot ng kulay na blue o kaya’y green habang ikaw naman ay naka-pink o kaya’y violet. Ang mga kulay na ito  ang napakalinaw na senyales na siya na nga ang makakatuluyan mo at makakasama habambuhay.
Huling payo at paalala:
Divina, ayon sa iyong kapalaran, dapat kang maglakbay, dahil tulad ng nasabi na sa isang paglalakbay mo makikilala ang iyong ka-soul mate. Kung sakaling hindi pa siya dumating sa nasabing panahon muli kang maglakbay sa buwan ng Agosto, at makikita mo, habang nakasakay ka sa isang pampublikong sasakyan, hindi sinasadyang mami-meet mo siya, hanggang sa magkahulugan kayo ng loob, liligawan ka niya, magiging boyfriend mo siya upang pagsapit ng Disyembre sa taon ding ito ng 2014, tuluyan ka nang magkapag-aasawa at magkakaroon ng simple, maligaya at panghabambuhay na pamilya, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na J.Y.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending