2 namatay na anak ni Darius Razon nagmulto sa taping
Very emotional ang naging interbyu ni tita Cristy Fermin kay Darius Razon na nagsimula nang ipalabas sa “Cornered by Cristy” segment niya sa Showbiz Police, 4 p.m., sa TV5.
Until now ay naiiyak pa rin kasi ang singer-actor kapag naaalala ang senaryo sa pagkawala ng kanyang dalawang anak.
Ang anak niya na si Darleen Gaye ay namatay sa sunog noon 1992 while his eldest son, Denver John, died in an accident in 2006.
Until now ay hindi pa rin mahanap ni Darius ang mga kasagutan sa kanyang mga tanong, kung paanong namatay ang kanyang mga anak sa horrifying accidents.
Ngayong nag-iisa na siya sa buhay ay malaking inspirasyon ni Darius ang mga anak ni Denver na sina Mikka at Monikka. The two were seemingly perfect reincarnation nina Denver at Gaye dahil magkamukha sila talaga.
Ang nakakaloka, while doing the interview ay parang nagparamdam ang mga anak ni Darius dahil nagdilim ang mga ilaw at bumagsak ang picture frame nina Denver John at Darleen Gaye.
Ang pakiramdam ni Darius ay nasa tabi lang niya ang mga anak, nagpaparamdam ng kanilang spiritual na presensiya.
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.