Dagdag-pasahe ‘wag bayaran—LTFRB | Bandera

Dagdag-pasahe ‘wag bayaran—LTFRB

Leifbilly Begas - March 31, 2014 - 12:46 PM

ILIGAL ang paniningil ng ilang transport group ng dagdag na 50 sentimos sa pasahe sa jeepney simula ngayong araw kaya maaari itong hindi ibigay at ireklamo ng mga pasahero.

Iginiit ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala silang pinayagang pagtataas sa pasahe at ang susuway dito ay maaaring masuspinde o matanggalan ng prangkisa.

Sinabi ni LTFRB chair Winston Ginez na nakasaad sa batas na ang LTFRB ang magtatakda ng pasahe para sa mga pampasaherong jeepney at bus.

Ang kasalukuyang pasahe ay P8 pero mayroong mga transport group na nais ibalik ang 50 sentimos na ibinawas sa P8.50 minimum fare nang bumaba ang presyo ng produktong petrolyo noong 2010.

Bumuo na rin si Ginez ng isang grupo na siyang tatanggap at aaksyon sa mga reklamo ng paniningil ng P8.50. Maaari umanong tumawag ang mga magrereklamo sa 459-2129.

Maaari rin umanong kuhanan ng litrato o video ang driver at ang plaka ng sasakyan na irereklamo. Maaari ring agad na ipahuli ang mga driver na lalabag sa mga traffic enforcers na ipapakalat ng Land Transportation Office (LTO).

Hindi naman lahat ng transport groups ay lalahok sa paniningil ng dagdag na P.50. Nauna nang ibinasura ng LTFRB ang petisyon ng mga transport groups para sa dagdag na 50 sentimos sa pasahe dahil hindi pa umano umaabot sa P45 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending