Matteo, Sarah napaamo si Mommy Divine, parang nakawala sa hawla
Marami ang napasayang fans nina Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli when their romantic photos surfaced on social media.
Tatlong photos ang nakita namin sa isang website at talagang tremendous happiness ang wish ng mga fans ng dalawa.
One photo showed them while holding hands, the other medyo nakayakap si Sarah kay Matteo at parang may ibinubulong. ‘Yung isa naman ay nakaupo lang sila.
Tulad nang naichika namin kahapon, hindi naman dumalo na mag-isa si Sarah sa birthday party ni Matteo. Kasama raw nito ang madir niyang si Divine at si Matteo mismo ang sumalubong sa kanila.
Kung true ito, aba wala sigurong nagawa si Divine dahil love na love ng kanyang dalaga si Matteo. Baka napahinuhod na rin siya, finally, na pagbigyan ang kanyang anak na makita ang boyfriend niya.
At kaysa nga naman mag-isa lang si Sarah ay sinamahan na rin niya ito para maguwardiyahan. “Tagal pinaghirapan ni matteo si sarah. Siguro pinagdasal nya yan ng mataimtim for four years,” one guy commented.
Kung happiness ni Sarah ang wish ng ilang fans, ang iba naman ay ang pagpayag ni Divine na magka-boyfriend na ang kanyang anak na dalaga ang wish.
“Sana hayaan na ni Mami na sumaya ang kanyang bread winner. Kayod kalabaw na mula pagkabata, huwag na sanang pagkaitan ng kaligayahan.”
“I hope her mom approves Matteo na. he looks decent naman. i want Sarah to be happy with him.” “Nyeta kinikilig ako sa dalawang ‘to! Parang nagugustuhan ko na uli si sarah.
Salamat naman at nag-eenjoy ka na rin sa buhay mo. Sana tuloy-tuloy na itong freedom to love and be love! Sabi nga ni matteo ang babaeng pinaghihirapan pangmatagalan. Sana kayo na!” sabi naman ng isang Sarah supporter.
“Wow! Naging sila rin! Since 2010 pa yata inaasam ni Matty si Sarah 😀 Lol!” say ng isang tagahanga. “Love love lang ha! Sana kayo na tlaga til death do u part :)))” dagdag naman ng isa pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.