James walang malisya kay Ai Ai: sabi nga niya, ‘uy, friend kahit maghubad ka sa harap ko, ‘no!’ | Bandera

James walang malisya kay Ai Ai: sabi nga niya, ‘uy, friend kahit maghubad ka sa harap ko, ‘no!’

Ervin Santiago - March 30, 2014 - 03:00 AM


WALANG malisya ang pagkakaibigan nina Ai Ai delas Alas at James Yap. Marami kasi ang nanunukso sa dalawa sa ginanap na PEP List 2013 announcement of winners kung saan nagsilbing host ang Comedy Queen at tinanghal namang Male Newsmaker ang PBA player.

Naikuwento kasi ni Ai Ai na may gagawin siyang indie movie this year at sinabi nga ng movie press na bakit hindi na lang si James ang kunin niyang leading man ngayong close na close na sila.

“Huwag naman. Hindi kami talo niyan! At saka sabi niya sa akin, ‘Friend, kahit maghubad ka sa harap ko, ‘no!’” tawa ni Ai Ai.
Marami nang natutuwa sa friendship ng dalawa, kahit na nga alam ng buong mundo na hindi okay sina Ai Ai at Kris Aquino ay patuloy namang gumaganda ang relasyon ng komedyana at ng PBA player.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Noong nag-away tayo, nai-stress ka at natatalo kayo sa PBA, ‘no?’ Naiinis naman siya sa akin!
“Alam niyo kung bakit talaga tumagal ang friendship namin?

Tinutulungan ko siya sa anak niya,” na ang tinutukoy ay ang anak nitong si Bimby. “Kung paano siya magiging mabuting ama. Kung paano matutuwa si Kris sa kanya. Ganu’n, tinuturuan ko siya.

At nakikinig naman. Mabait naman si James. Friend ko siya. Friend ko rin naman si Kris,” sey pa ni Ai Ai. Dugtong pa nito, “In any relationship, ‘di ba? Sila (James and Kris) nga, nag-aaway, ‘di ba? Kami rin nag-aaway.

Ganu’n talaga ang buhay, ‘tapos magbabati. Bati na sila. Bati rin kami. Bati kami lahat.” Pero nang tanungin kung talagang okay na ba sila ni Kris, isang malakas na tawa lang ang isinagot nito sa press.

In fairness, textmates daw talaga sila ni James, “Lumalabas din kami, pero minsan lang. Kasi busy naman ako sa taping. Siya naglalaro. So, text-text lang. Lagi kaming nagti-text.

“And ang nangyari kasi, parang ano, ‘di ba, si Kris friend ko, ‘tapos asawa siya (James) dati. Tapos nag-away kami. Kumbaga, parang ang nangyari, nag-ano lang ulit kami… resurrection.

Although kasi si Kris naman, ipinapaliwanag ko rin sa kanya kasi na ‘yung mga ugali ng babae, na minsan mahirap intindihin.
“Not only Kris, pati ako.

Minsan kasi ako yung example na ibinibigay ko sa kanya, para maintindihan niya kung ano ‘yung galaw niya. Ang kung ano ‘yung makakabuti for them, lalung-lalo na for Bimby.

Kasi iyon ang weakness niya, e, yung anak niya. And inaanak ko naman si Bimby,” pagtatapos pa ng Comedy Queen.May nabalitaan naman kami na sigurado nang tatakbo si Ai Ai bilang mayor sa Batangas, pero kailangan muna niyang mag-aral uli para may panlaban siya sakaling magwagi siya sa susunod na eleksiyon.

Tungkol naman kina Ai Ai at sa bagong crush nitong si Dennis Trillo, diretsong sinabi ng Kapuso hunk na may posibilidad na ma-in love siya sa komedya, “Lahat possible kung pareho kayong single.

Pero hindi ko rin alam kung gaano siya kaseryoso. Siyempre, napapanood ko siya lagi noon sa mga comedy, although meron siyang drama sa ibang pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero sa whole time na nakilala ko siya, talagang hindi ko lang matantiya kung gaano siya kaseryoso o talagang puro biro palagi,” sey ni Dennis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending