Sagot ni Herbert sa relasyon daw nila ni Kris: Ha-HaHaHaHa! | Bandera

Sagot ni Herbert sa relasyon daw nila ni Kris: Ha-HaHaHaHa!

Jobert Sucaldito - March 30, 2014 - 03:00 AM


NU’NG isang gabi ay in full force kaming sumuporta sa Q.C. Grand JS Prom organized by the supporters of Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa mga high school graduates ng QC na ginanap sa Tropical Garden ng QC Memorial Circle.

Dumating ang mahal nating alkalde na sobra ang pagpapahalaga sa edukasyon – a real model ng mga kabataan the fact that he finished his Masters in Public Administration at UP and Masters in National Security Administration from National Defense College. Ang theme ng event na iyon ay “heroes making bridges for the future”.

That was one of the rare nice moments namin with Mayor Bistek who looked so gorgeous that night. Naaliw kami nina Roel Villacorta at anak-anakang Dominic Rea dahil dama namin ang sinseridad ni Bistek, nakipagharutan ito sa amin habang nakikinig siya sa pagbirit ng anak-anakan naming si Prima Diva Billy.

“Ganda naman ng falsetto ng alaga mo, Pareng Jobs. Galing niya,” pagpansin niya kay Prima Diva Billy sa gitna ng pag-usisa namin sa kaniya sa isyu nila ni Kris Aquino.

“Ano ba talaga ang totoo, Mayor para meron naman akong mai-deadline sa columns ko,” lambing-biro ni Roel Villacorta kay Mayor Bistek.

Pangisi-ngisi lang ang guwapong mayor. Parang wala siyang narinig pero nakatingin naman sa mga mata namin. Sinundot ko ang tanong ng, “Ganito na lang.

Di ba nabalitang hinatid mo raw si Kris sa dressing room niya? Saan kayo galing that time? Meeting? Breakfast? Where?”
“Ang galing mo naman, Pare.

Talagang mahusay kang mag-research ha. Ha-hahaha!” sagot niya na parang wala lang. Wala naman siyang idinugtong na detalye. Obviously ay nagpapaka-gentleman lang siya, na kahit ayaw niyang sumagot ay sweet pa rin.

Hindi pa rin kami tumigil. Tanong ko ulit, “Alam ko namang hindi mo type si Kris pero malay natin, baka ngayon feel mo na. Or baka type ka ni Kris, di kaya?”

Napangiti lang si Bistek at nakipagharutan ulit sa aming mga baklita. Sundot namin, baka naggagamitan lang sila for political purposes – na para namang sinasang-ayunan ni Mayor Bistek.

Wala siyang sagot pero parang mas naramdaman kong ganoon ang mensahe ng mga ngiting iyon. Napagod lang kami sa katatanong sa mahal nating alkalde kaya mas minabuti na lang naming makinig with him kay Prima Diva Billy at pumapalakpak sa bawat bitiw ng kanta nito.

“Galing niya, Pareng Jobs. Mahusay. Saan mo na-discover iyan?” tanong ni Mayor Bistek. After a while, habang dinudumog naman ng fans sina Michael Pangilinan, Micah dela Cruz, AJ Tamiza, Chazz, DJs Jasmin and Chacha at ang guwapong-guwapong si Paul Salas, umikot-ikot muna si Mayor Bistek sa kapaligiran ng Tropical Garden at maya-maya lang, naglaho itong parang bula.

For sure tinakasan na ang media dahil ayaw siyang tantanan sa tanong about Kris. Ang cute ng eksena ni Mayor, ‘no! Ha-hahaha!

Bigla namang nataranta ang mga taga-TV na nais pang mag-interbyu sa kaniya, “Saan na si Mayor?” tanong nila sa akin nang sabay-sabay na parang ako ang dakilang other woman nito. Ha-hahaha!

Sabi ko, “Aba’y malay ko. Baka tumakas na. Hindi niyo ba nainterbyu?” Para sana mapagbigyan ang mga TV crew ang interviewers nila, I tried calling Mayor Bistek sa cellfone niya pero hindi ito sumasagot.

Inisip ko na lang na baka he had to rush to his super-daming commitments dahil graduation month nga ngayon. For sure ay left and right ang work and events na dadaluhan nito.

In short, wala kaming nakuhang sagot sa kanila ni Kris Aquino. Meaning, hahaba pa ang isyung ito dahil walang umaamin sa kanila ni Tetay. Ang tanong, may dapat bang aminin?

Or baka for political purposes lang talaga ang kanilang friendship, di kaya?  Kasi napapabalitang tatakbo si Kris for public office in the 2016 polls kaya maaaring dumadrama lang ito para mapag-usapan palagi sa industriya natin.

Kasi nga, libreng publicity mileage for both of them ang mapag-usapan or ma-link sa isa’t isa. kasi nga, wala namang puwedeng magkuwestiyon sa marital status nilang dalawa – Kris is legally separated and Mayor Bistek naman may have a common-law wife (Tates Gana) pero hindi naman sila kasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kumbaga, politically he is single. Tama? Kaya may chance na maging sila ni Kris kung pakaisipin ninyo. Pero parang hindi rin, eh. Hay naku, pati kami ay nalito na rin. Kaloka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending