Mahal hinding-hindi mapapatawad si Jimboy | Bandera

Mahal hinding-hindi mapapatawad si Jimboy

Cristy Fermin - March 29, 2014 - 03:00 AM


Tasahang sinabi ni Mahal na hindi niya kayang patawarin si Jimboy Salazar sa ginawa nitong paglaladlad kamakailan tungkol sa kanyang tunay na kasarian.

Never, sabi pa ni Mahal, dahil iba raw ang ginawa sa kanya ni Jimboy na ngayon ay Jimgirl na. Kung kaya raw niyang tanggapin ang ibang nakarelasyon niya bilang bading, si Jimboy raw ay hindi talaga, dahil feeling ni Mahal ay ginamit lang siya nu’n ni Jimboy para makilala ito.

“Hindi kasi niya sinabi sa akin ang totoo,” matipid na komento ng kakapiranggot na si Mahal. Hindi niya lang kayang itawid ang kanyang dahilan, pero ang totoo, kung sinabi lang daw sana nu’n sa kanya ni Jimboy na lalaki rin pala ang gusto nito ay wala sanang problema ngayon sa kanila.

“Pero hindi, lalaki raw siya, sabi niya,” maigsi pero kumakagat na komento ni Mahal tungkol sa paglaladlad ng dati niyang karelasyon. At may kakambal pang pagsimangot ‘yun.

Walang krimen sa ginawang pagharap sa katotohanan ni Jimboy, ano nga ba naman ang magagawa nito kung para sa kanya ay lalaki ang makapagbibigay sa kanya ng kaligayahan, nagpakatotoo lang si Jimboy na Jimgirl na nga kung tawagin ngayon ng kanyang mga kaibigan.

Nu’n pa man ay hindi na namin pinaniwalaan ang relasyong Mahal-Jimboy, hinding-hindi kami naniwala na nagmamahalan sila, parang laro lang ang lahat ng kanilang mga kaeklatan para sa amin.

Hindi pa gaanong halatadong becki nu’n si Jimboy, pero pramis, hindi namin ito kinakitaan ng sinseridad sa pinagsasasabi nito nu’n na may namamagitang pagmamahalan sa kanila ni Mahal na kilig na kiig naman nu’ng mga panahong ‘yun.

Wala talaga. Walang-wala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending