Regine: Payag maging back-up singer ni Anne | Bandera

Regine: Payag maging back-up singer ni Anne

- December 17, 2011 - 03:45 PM


MULA raw nu’ng maging boyfriend niya si Erwan Heussaff ay wala ng naging puwang sa buhay niya ang kalungkutan, ‘yan ang naging pahayag ni Anne Curtis sa presscon ng kanyang kauna-unahang concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Jan. 28, 2012.

Ayon kay Anne, in fairness daw, from the time na naging sila ng brother ni Solenn Heussaff ay wala pa silang na-experience na kanegahan, wala pa raw nang-iintriga sa kanila.

“Alam n’yo, ever since he came into my life, I’ve been nothing but happy,” say ng TV host-actress-singer.

Dagdag pa ni Anne, sana raw ay si Erwan na nga ang lalaking makakasama niya habangbuhay dahil nakita na nga raw niya rito ang lahat ng qualities na hinahanap niya sa isang lalaki.

Anyway, grabe naman ang blessings na tinatanggap ni Anne, imagine may bonggang lovelife, maganda ang takbo ng career, walang masyadong intriga sa kanya at higit sa lahat natupad na rin niya ang dream niyang makapag-concert sa Araneta Coliseum.

Yes, sa Jan. 28, 2012 na nga magaganap ang kanyang “Annebisyosa: No Other Concert World Tour”. Ito’y matapos nga niyang tanggapin ang Platinum Record award para sa debut album niyang “Annebisyosa”, pati na rin sa blockbuster movie niyang “No Other Woman”.

Pero nilinaw naman ni Anne na wala siyang balak na maging Concert Queen, “Hindi naman… magku-concert lang, enjoy lang.”

“Masaya-masaya lang. It’s just something that shouldn’t be taken serious… seriously. Fun-fun lang,” say ni Anne.

Inamin naman ng aktres na, “Sobra akong kinakabahan. But at the same time, I know it’ll be a lot of fun. I know a lot of my friends are going, they’re supporting me. And it’ll just be fun, parang puma-party-party lang sa Araneta.”

Totoo bang kinukuha niyang back-up singer ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez?  “Ha-hahaha! Mahirap namang mangarap na ganu’ng kataas.

Pero masaya na ako na she acknowledged it in a way na, alam mo ‘yun, na hindi siya nao-offend,” na ang tinutukoy ay ang tweets ni Regine sa kanya, natutuwa raw kasi ang Songbird na magko-concert na siya.

“Parang she took it in a way na hindi rin niya seryoso ‘yung kanta ko. Which is, alam mo ‘yun, na ma-replay-an ako nang ganun, masayang-masaya na ako. Hello, Regine Velasquez!” nandidilat ang matang sabi ni Anne.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

For ticket inquiries, call lang kayo sa 911-5555 or 687-7236.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending