Colon care (1) | Bandera

Colon care (1)

Dr. Hildegardes Dineros - March 28, 2014 - 03:00 AM

TUWING buwan ng Marso ay ipinagdiriwang sa buong mundo ang kaalaman tungkol sa malaking bituka (large intestine o ang colon) — ang mga sakit na maaaring dumapo rito tulad ng cancer; at kung paano ito maiiwasan.

Ang bituka (Gastrointestinal tract) ng tao ay mahigit kumulang anim na metro ang haba. Ito ay mula sa Esophagus, Stomach, Small Intestine, Large Intestine hanggang sa tumbong (Anus).

Ang malaking bituka ay halos dalawang metro ang haba. Dito naiipon ang lahat ng kinain natin na hindi naa-absorb ng bituka at ito ang tinatawag na dumi o fecal material.

Regular ba ang iyong pagdumi? Ilang beses ka ba dumumi sa isang linggo?

Kinakailangan ng bawat indibidwal na dumumi ng regular dahil ito ang pamamaraan para regular ding malinis ang katawan, hindi lang ng bituka.

Alam ba ninyo na dalawa hanggang 10 beses ang normal na pagdumi?

Mas maganda talaga na araw-araw ay dumudumi ang isang indibidwal dahil ito ang tama sa kalusugan.

Para maging maayos ang pagdumi sa araw-araw, importante ang hydration o pag-inom ng tubig. Mahalaga rin ang pagkain ng mayaman sa fiber.

Kapag napupuno na ang colon o ang malaking bituka nagkakaroon ng pakiramdam na nauuwi sa pagdumi o pagbawas ng toxins.

At sa sandaling nailabas na ang dumi, gumiginhawa ang buong katawan at naiiwasan ang unti-unting pagkalason ng dugo at ng buong katawan, pati na ang pamamaga ng bituka at ang pagkasira nito, kasama na ang kanser.

Karamihan ng kanser ng malaking bituka ay nakikita sa mga taong may edad na 50 at pataas. Ang madalas na tinatamaan nito ay yung mga matataba (obese o overfat), naninigarilyo at mahihilig kumain ng taba lalo na ng red meat at walang exercise.

Kadalasan, mas marami ang lalaki ang tinatamaan ng sakit sa colon kumpara sa mga babae.

Napaka-mahalaga ang screening para malaman ng maaga kung ang kanser ay naguumpisa na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinaka-simple lang ang FECAL OCCULT BLOOD TEST (FOBT) sa FECALYSIS, ang pagsusuri ng dumi sa , microscope para makita kung may dugo ito dahil sa kadalasan ang bukol sa bitukang malaki ay nagdudugo kahit ito’y maliit pa dahil nga nagagasgas ito kapag dumadaan ang matigas na dumi.
(Abangan ang ilan pang mahahalagang impormasyon hinggil sa colon, colon cancer at kung paano ito maiiwasan at masosolusyunan)
vvv
Inaaanyayahan ko kayong lahat na sumanib dito sa ating kapisanan, ang BARANGAY KALUSUGAN, ang ating magiging ugnayan tungo sa pagpapaunlad ng ating kalusugan. I-text, ang inyong mga tanong dito sa Bandera sa 09999858606 at 09277613906. Sundan sa Facebook at Twitter: [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending