Dear David,
NAGTATRABAHO ako bilang ordinaryong obrero sa isang pabrika. Nabuburyong na ako. Bigyan mo naman ako ng gabay sa pagtatagumpay.
Ano ba ang buwenas na negosyo sa akin? Ipinanganak ako noong Oktubre 6, 1972. May apat akong anak at ang misis ko ay may maliit na karinderia sa tapat ng isang eskuwelahan.
Ano ba ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto.
BERT NG GENERAL
SANTOS CITY
Dear Bert,
SIX (6) at eight (8) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Venus at Saturn ang buntala ng kumokontrol sa iyong pagkatao.
Alipin ka ng emosyon pero may sapat kang determinasyon na magtagumpay. Kailangang makontrol mo ang damdamin upang matupad mo ang iyong mga pangarap. Buwenas ka sa negosyo na nakakaantig ng emosyon.
Kung mayroon kayong karinderia, makabubuting tulungan mo ang iyong misis sa kanyang negosyo —dyan kayo mag-concentrate! Maglagay ako ng videoke upang maantig ninyo ang emosyon ng mga suki. Darami ang iyong mga tagatangkilik pero mag-ipon kayo sa panahon ng taghirap.
Mapapalaki ninyo ang karinderia tungo sa pagiging ganap na restaurant. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2013 at 2015 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan.
Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Enero lalo na sa mga petsang 3, 6, 11, 18, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Miyerkules.
Kulay maroon at black ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No. 6 at No. 8 ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-27-34-37-40-41.
ASSET tips: 3-6-5/ 1-5-7/8-3-7. Wiretips: 3-2-6/ 8-4-2/1-6-7. Double digit: 3-7/4-2/1-6. Luzon guide: 1-4-11-18-22-27-34-37-40-42. VisMin: 1-5-11-19-23-28-34-38-40-42. MegaLotto: 3-11-18-23-27-34-40-42. Grand Lotto: 5-7-11-18-23-26-34-38-45-48-50-54. Four Number: 5-7-1-3/ 8-9-2-6/4-1-3-4/7-3-8-1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.