Gerald: Totoo, gustung-gusto ng nanay ko si Kim!
Muling ipinagtanggol ni Gerald Anderson ang kanyang girlfriend na si Maja Salvador sa mga bashers nito na pilit na nambabagsak sa aktres. Wala pa ring tigil sa pagpapakalat ng tsismis ang detractors ni Maja na ayaw sa kanya ng nanay ni Gerald.
Ayon sa leading man ni Anne Curtis sa Dyesebel, maayos ang relasyon ni Maja sa mommy niyang si Evangeline Opsima. Sa katunayan nakapag-bonding pa ang dalawa kamakailan sa General Santos City nang mag-show doon ang GF niya, “Wala nga ako doon eh, sila lang. Okay naman sila.”
Sa isyu naman na hanggang ngayon ay si Kim Chiu pa rin ang type ng kanyang ina para sa kanya, ito lang ang nasabi ni Gerald,
“Given na rin po ‘yan na gustong-gusto niya si Kim, si Kim ay napakabait na tao at sobrang naging close at hindi po mababago ‘yun. Pero wala naman pong ganu’n (mas boto kay Kim) siyempre magkaiba naman po.”
Dagdag pa niya, “Yung nanay ko siguro alam na ng lahat na she’s a strong woman, napaka-strong niya so ganon lang siya talaga magsalita so hindi naman siya nakikialam.”
Maayos na maayos din daw ang relasyon nila ni Maja, “Okay naman, steady. You know I’m very happy sobrang blessed ko na lahat ng parte ng buhay ko is coming together.”
Samantala, excited na ang lahat sa paglabas ni Gerald, pati na rin nina Anne at Sam Milby, at iba pang mahahalagang tauhan sa Dyesebel. Ipinagmalaki ng aktor na talagang dugo’t pawis ang puhunan nila sa pagpapaganda ng serye na napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida.
“Dito niyo po makikita na hard work pays off at gusto po naming magbigay ng magandang show and like I said gusto ko pong maging inspirasyon po para sa inyo, para sa mga viewers to stay healthy, so stay fit, to look good this summer so sana magawa namin yan through Dyesebel, lahat kami,” sey pa ni Gerald.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.