Maja sinopla ni Kim: Sige lang promo-promo din pag may time!
TALAGA yatang hindi maiiwasan na hindi magamit si Kim Chiu sa anumang project na may kinalaman si Maja Salvador.
Kapag nabanggit ang name ni Kim ay siguradong ang kasunod niyon ay ang pangalan ni Maja o hindi kaya ni Gerald Anderson.
Parang lubid na nakakabit ang mga names nila sa isa’t isa. While promoting Maja’s latest album ay nabanggit sa isang report sa TV ang name ni Kim. Maja was quoted kasi as saying, “Believe lang tayo ‘di ba, kasi baka in time, tao lang kami, pwede kami lahat magpatawad.” The question was kung umaasa pa siyang magkakabati sila ng ex-best friend.
Meron namang isang nagmahadera sa Twitter at sinabing bakit kailangang banggitin ang name ni Kim, eh, wala naman siyang kinalaman sa album ni Maja.
Makes sense nga naman. Parang pilit na pilit ang promotion, parang merong gamitan na nangyari. Itong si Kim naman, hindi namin alam kung sarcastic ang naging reaction when she tweeted, “Cge lang promo promo din pag may time”.
Teka, bakit nga ba talagang kailangang ma-drag ang name ni Kim or in other cases ni Maja when they’re promoting something? Siguro dahil wala pa ring closure until now ang kanilang hidwaan na nag-start years ago.
Anyway, nagpahayag ng optimism si Maja na in the future ay magkakaroon din sila ng closure ni Kim. She’s positive na pwedeng mangyari iyon sa kanilang pagitan. Puwede nga siguro, ‘yun ay kung hiwalaya na si Maja kay Gerald.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.