KUMALAT kahapon ang litrato nina Vice Ganda at Sen. Nancy Binay sa social media – at paniwala ng maraming nakakita nito ay okay na okay na ang dalawa matapos na masangkot sa isang kontrobersiya noong kasagsagan ng eleksiyon.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Vice ang nasabing larawan, kung saan makikita nga na magkasama sila ni Sen. Binay na todo ang smile.
Nabatid na ito ay kuha sa birthday party ng isang showbiz personality na malapit sa mga artista. May caption ang nasabing picture na, “Love! Love! Love! Happy Birthday!”
Kung matatandaan, nagkaroon ng “tensiyon” sa pagitan ng gay comedian at ng senadora nang mag-comment si Vice nang hindi kagandahan tungkol sa pagsabak sa pulitika ng anak ni Vice-President Jojo Binay.
Kung tama ang pag-alala namin, sa presscon ng concert ni Vice siya natanong kung anong posisyon ang gusto niya sakaling pumasok siya sa pulitika. Ang tugon niya, “Doon na ako sa President.”
Paliwanag niya, “Yung walang background, puwedeng iboto. Parang yung mga pulitiko ngayon, wala ngang background (sa politika).” Dito na binanggit ni Vice ang pangalan ni Binay na noo’y tumatakbo pa lang na senador.
Hirit pa ni Vice, “Walang political background pero senador agad. Puwede naman palang ganu’n.” In fairness, hindi naman napikon si Binay kay Vice at nirespeto ang pananaw nito.
At dahil dito, hindi malayong maging guest din sa Gandang Gabi Vice si Sen. Nancy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.