Babala kay Kathryn: Mag-ingat, wag mapabuntis kay Daniel!
NATATAWA kami sa mga nababasa naming mensahe ng mga supporters nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa iba’t ibang social networking sites.
Marami kasi ang nagpapayo kay Kathryn na ngayong 18 na siya, kailangan daw doblehin o triplehin pa niya ang pag-iingat para mapanatili ang kanyang virginity.
Isang certified dalaga na raw kasi siya kaya dapat daw na mas maging careful siya sa kanyang mga desisyon sa buhay.
Sabi ng isang nagmamalasakit kay Kathryn, huwag daw siyang mapadalus-dalos pagdating sa pag-ibig, huwag daw siyang tumulad sa ibang youngstar na bigla na lang nabuntis dahil hindi napigilan ang init at kati ng katawan.
“Totoo naman, di ba? Yung edad at estado ngayon ni Kathryn, ‘yan ang nasa delikadong phase ng buhay, kung magiging mahina siya sa tawag ng laman, tiyak na matutulad din siya sa ibang artista na biglang naging nanay sa murang edad,” sabi ng isa naming nakausap na supporter ng tambalan nina Kathryn at Daniel.
Dagdag pa niya, “Ako, gustung-gusto ko si Daniel, pero lalaki pa rin ‘yan, hindi rin kasi natin masasabi, di ba? Basta mag-ingat sila lagi, huwag silang padadala sa kanilang mapusok na damdamin.
Ha-hahaha! Pangunahan ba talaga ang mga bagets!” In fairness, tama naman, di ba? Ilang batang artista na ba ang napasubo nang dahil sa kakatihan ng kanilang katawan? Kahit na sabihing hindi nila pinalaglag ang mga ipinagbuntis nila, produkto pa rin ang bata ng “broken family”, agree? Lalo na ‘yung iba diyan na matapos magkaanak saka nasira ang relasyon.
Siyempre, lalaki ang bata na hindi magkasama ang parents niya? Magkakaisip siya na nanay lang niya ang nagpapalaki sa kanya?
Kaya tama lang na palaging paalalahanan sina Daniel at Kathryn na pangalagaan ang kanilang magandang imahe sa publiko, huwag silang tutulad sa mga kabataang nawasak ang buhay dahil sa mali-maling desisyon.
Samantala, bukas na nga 18th birthday ni Kathryn, pero sa March 29 pa gaganapin ang kanyang bonggang debut na dadaluhan ng mga taong malapit sa kanya.
Nu’ng Sabado naman ginanap ang party na regalo sa kanya ng fans nila ni Daniel sa Fernwood Gardens sa Quezon City.
“Unang-una, naging possible ito dahil sa Kathniel Kadreamers kasi nag-devote talaga sila ng time.
Sila ‘yung nag-plan para mangyari tong debut for me. Sana napasaya ko kayo. Maraming maraming salamat na talagang um-effort kayo para iparamdam sa akin na special ako sa inyo,” mensahe ni Kathryn sa kanyang supporters.
Samantala, magkasama ring nanood ng Bruno Mars concert nitong weekend sina Daniel at Kathryn. Siyempre, nag-enjoy much ang dalawa habang nagpe-perform ang international singer. In fairness, suot pa ni Kathryn ang kanyang Bruno Mars shirt.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.