USUNG-USO ang pago-ober da bakod ng ABS-CBN talents sa TV5 kaya isa si Rayver Cruz sa tinanong namin sa presscon ng pelikulang “A Mother’s Story” na ipalalabas na sa Jan. 8, 2012, ang opening salvo ng Star Cinema mula sa direksyon ni John D. Lazatin.
Isa kasi si Rayver sa alam naming inoperan noon ng TV5 at kasalukuyang may kontrata naman noon ang aktor sa ABS kaya siguro hindi rin nila in-entertain.
Ngayon kaya ay interesado na siya? “Kasi eversince, nasa ABS ako, eh,” sagot ng binata.
Ayaw niyang sundan ang kuya Rodjun niya o ayaw niyang iwan si Cristine Reyes? “Mas mabuti sigurong hiwalay kami (Rodjun).
Hindi naman sa gusto kong mag-stay dahil sa kanya (Cristine). Eversince kasi ABS ang nag-alaga sa akin, tapos happy naman ako sa ibinibigay nila, okay naman ako,” katwiran ni Rayver.
Sinabi namin na pagkatapos ng Reputasyon ay wala kaming alam na project niyang kasunod at ilang buwan siyang mababakante bago siya bigyan.
Naunahan na siya ng ibang bagong pasok na young actor considering na home grown talent siya ng ABS-CBN.
“Meron ‘yan (project) for sure. Hindi naman siguro taon, basta meron ‘yan,” sabi ni Rayver.
Bumilib naman kami sa pagiging matiyaga ni Rayver na maghintay kung ano ang ilalatag sa kanyang projects at higit sa lahat, hindi nag-iisip na umalis sa istasyong nag-aalaga sa kanya. At hindi rin uso sa aktor ang bread trip.
Samantala, going smooth pa rin ang relasyon nila ni Cristine at sa katunayan ay isang taon at tatlong buwan na sila nu’ng mismong araw ng presscon ng “A Mother’s Story” at hindi pala uso sa magdyowa ang monthsary.
“Hindi kasi ako ganu’n, ganu’n din si Cristine, mas gusto namin ang yearly celebration,” ani Rayver.
At kung maganda ang kita sa 2012 ay pangarap daw ni Rayver na umalis sila ng bansa ni Cristine para makapag-relax, makapaglibot sa magagandang lugar. At kung may gustong sumama ay kanya-kanyang bayad daw.
“Usually pag lumalabas kami, marami kaming kasamang kaibigan ko, pinsan niya,” dagdag nito.
Samantala, seryoso sa isa’t isa sina Rayver at Cristine kaya tinanong namin ang aktor kung naghahanda na ba siya para sa kinabukasan nila o kung may plano na silang bumili ng bahay? “Nag-iipon naman ako for that.
Ang hirap din kasi magsalita ng tapos pero kung magtatagal kami, oo gusto ko talaga siya na. Nasa kanya na lahat ng gusto ko.
“Nakita ko naman kung gaano niya ako kamahal, saka hindi ko muna iniisip ‘yun kasi kung mage-expect ka at hindi nangyari, mahirap din naman.
Kung itatangi ng Panginoon Diyos na kami, bakit hindi,” katwiran ni Rayver.
Samantala, masarap daw katrabaho si Pokwang ayon kay Rayver at talagang ideal mother daw ang TV host-comedienne kaya masuwerte raw ang anak ni Pokie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.