Annabelle nagsampa raw ng kasong attempted kidnapping | Bandera

Annabelle nagsampa raw ng kasong attempted kidnapping

|December 16,2011
facebook
share this

Annabelle nagsampa raw ng kasong attempted kidnapping

- December 16, 2011 - 10:04 AM

Naku, umabot na sa diumano’y attempted kidnapping ang bangayan nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro.

Ayon sa mga balita, nagsampa na ng kasong “attempted kidnapping” si tita Annabelle laban kay Nadia at ilang pulis mula sa Quezon City Police na diumano’y nagtangkang arestuhin siya sa kanyang opisina sa Imperial Palace Suites sa may Timoy, Q.C..

Sa affidavit daw ni tita Annabelle, nakasaad doon na mismong ang may-ari raw ng Imperial Hotel na si Mother

Lily Monteverde ang nagsabi sa kanya na inaabangan siya ng grupo ni Nadia sa labas ng building.

Dito, nagpasya na ang talent manager na huwag na munang tumuloy sa kanilang opisina, kaya wala raw naganap na kaguluhan.

Hindi pa nagpapalabas ng pahayag ang kampo ni Nadia tungkol dito at yan ang kailangan nating abangan. Totoo nga kaya ang sinasabing tangkang pagkidnap kay tita Annabelle?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending