Aiza natatakot kuning ninong si Vic sa kasal nila ni Liza…baka tumanggi
ALL-OUT support din bukod kay Diego Loyzaga ang ina niyang si Teresa Loyzaga ang singer na si Aiza Seguerra sa girlfriend niya na si Liza Diño na kasama rin sa bagong fantaserye ng ABS-CBN na Mira Bella na nagsimula na kahapon bago mag-TV Patrol.
Mas excited pa syempre si Aiza sa pagkakaroon ng project ni Liza sa Kapamilya network, huh! Starting this week, mapapanood ang mag-partner sa ABS-CBN, sa tanghali si Aiza at sa hapon naman si Liza.
Kasabay nang kabisihan nilang dalawa on their separate projects ang paghahanda for their wedding. Ngayon pa lang alam na nila kung ano’ng gusto nila for their wedding. And mostly, pareho sila ng taste sa magiging look ng wedding nila.
“I know this is gonna be so cheesy sa iba pag nalaman nila pero pareho talaga kami ng gusto,” tsika ni Liza sa presscon ng Mira Bella. Sumingit naman si Aiza na nasa tabi ni Liza habang iniinterbyu ng entertainment writers, “Akala ko pa naman sasabihin mo basta kasama ko si Aiza, ‘yun ang sweet. Ha-hahaha!”
Hindi raw nila pinag-usapan pero sinabi na ni Liza na ayaw niya ng masyadong stiff ang kasal nila, “E, ‘yun din ang gusto niya. Ako, ang dream wedding ko is just to be with family na happy sa akin, nakuha ko na ‘yun. Gusto ko intimate.”
Singit na naman si Aiza, “Intimate ba ‘yung ganoong karami? Halos 300 ang invited, intimate ba ‘yun? Ang intimate sa akin 50.”
“Ha-hahaha! Hindi ‘yung wedding, ‘yung reception na ‘yung 300.
Pero ‘yung wedding mismo ano lang, as much as naging public ‘yung relationship namin, we wanna be with people who really supports and really loves us.
Sa awa ng Diyos napakarami naman ng taong ganoon sa amin. So, excited ako kasi pareho kami ng gusto,” esplika naman ni Liza. Mas gusto rin daw ni Liza na natural ang surroundings ng venue ng wedding nila at hindi sa beach.
At earth tones ang motif na gusto nila, “Pero syempre I love the flamango, that’s one of the things I’m very passionate about. That’s also one thing that describes us both. So, may touch of red,” sabi ni Liza.
Very specific daw talaga sila ni Aiza on what they want, “Si Aiza groomzzy na ang tawag ko sa kanya. Siya kasi ‘yung partikular, e. I guess siguro kasi, ako for me, I never experienced, you know, going down the aisle na talagang buong pamilya.
I got married in (Las) Vegas, so, talagang it’s very different.” Regarding her wedding gown wala pa raw silang pinuntahan na designer. Pero meron na raw peg si Liza.
Tinanong namin si Aiza kung sino naman ang gusto niyang gumawa ng kanyang damit sa wedding. “Sa SM siguro. Ha-hahaha! Hindi, hindi ko pa alam. Like what she said, may mga peg naman na kami kung ano’ng mga gusto namin.
Nagte-text ako sa kanya kung ano’ng ilaw ang gusto ko, kung ano’ng bulaklak,” sagot ni Aiza. Dagdag pa niya, “And more than anything, it’s not just the getting married part that I am excited. It’s me getting married to her.”
Meron na rin daw silang kinausap kung sino ang kukunin nilang godparents, “Meron na kaming kinausap, mga isa. Ha-hahaha!” Pero hindi raw si Vic Sotto ‘yun sabi ni Aiza.
“Isa pa lang ang nakausap namin, si Nanay Ibyang (Sylvia Sanchez). Siya rin ang pipili ng ring. Saka ever since and even before I proposed she’s really there talaga. She gives us advise,” lahad ni Aiza.
Pero kung kunin nga kaya nilang ninong si Vic, pumayag kaya? And why not, si Aiza na mismo ang nagsabi na si Vic na ang tumayong second fateer niya sa showbiz, di ba? O natatakot pang magsabi si Aiza kay Vic dahil baka tanggihan nga siya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.