Aiza, Liza Dino magkasama na sa isang bahay na parang tunay na mag-asawa | Bandera

Aiza, Liza Dino magkasama na sa isang bahay na parang tunay na mag-asawa

Ervin Santiago - March 23, 2014 - 03:00 AM


INAMIN nina Aiza Seguerra at Liza Diño na nagli-live in na sila. Diretsong sinabi ng magdyowa na halos isang taon na silang nakatira sa iisang bahay.

Sa nakaraang presscon ng bagong fantaserye ng ABS-CBN, ang Mira Bella kung saan ka-join nga si Liza, sinabi nito na May of last year pa sila nagsimulang magsama bilang “mag-asawa”.

“Yes, we are!” ang sabi ng dating beauty queen tungkol sa kanilang pagli-live in. Sinundo kasi ni Aiza si Liza matapos ang presscon ng Mira Bella at bago nga sila umalis ay nagpaunlak muna sila ng interview sa press.

“Officially, us living together, May of last year. Since she got back, it’s either me sleeping there or I sleep in her house,” ang pahayag ni Aiza.

Ang paliwanag naman ni Liza, “Una muna, nagpapaalam ako sa mommy ko. Sinasabi ko lang na doon muna ako matutulog kina Aiza o siya ang matutulog sa bahay namin.

“Kasi araw-araw kaming magkasama. Yung mommy ko, napapansin niya na unti-unti kong kinukuha yung mga gamit ko, ganu’n,” natatawang dagdag ni Liza.

May 6-year-old daughter na si Liza sa una niyang asawa, si Amara at malapit din ito kay Aiza, pero inamin ng fiancé ng singer-actress na may mga adjustments pa rin silang ginagawa hanggang ngayon.

Minsan nga raw ay nagtanong ang bagets kung bakit daw laging nasa bahay nila si Aiza. Esplika ni Liza, “Yun ang mga kailangan kong i-address, yung mga dynamics bilang isang pamilya.

Hindi ko puwedeng biglain ang anak ko.“So, silang dalawa ang maraming adjustments, yung anak kong si Amara at si Aiza. And as for Aiza, tanggap namin yung quirks namin sa isa’t isa. Alam niyang makalat ako, pero pag pinagluluto ko na siya, wala na siyang masasabi.”
In fairness, sey ni Liza pagkatapos daw mag-propose sa kanya ni Aiza two months ago, mas naging masaya pa raw ang kanilang pagsasama, “It’s so funny nga, kasi I’ve always been open in the sense na hindi ko itinago ang relationship namin.

“Although, yung mga ganitong reason, like me being on TV and going back to showbiz, may repercussion na kailangan mag-ingat ka. You don’t want the people to judge you.

Pero pag in love ka talaga, wala ka talagang iniisip. Yun talagang you’re so happy and you just wanna tell the world about it,” aniya pa.

At kung maaayos daw this year ang mga papeles nila sa Amerika, tuloy na ang kanilang kasal bago matapos ang 2014. Next year naman daw ang pagpapakasal nila dito sa Pilipinas, sey ni Liza, “Kasi kahit symbolic yung dito, we know, alam mo na,” na ang tinutukoy ay ang pagbabawal ng same sex marriage sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mahalaga ang gagampanang papel ni Liza sa Mira Bella na pinagbibidahan nina Julia Barretto, Enrique Gil at Sam Concepcion kaya tutok na sa pagsisimula nito bukas Primetime Bida ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending