‘Hirap na hirap na po ako’ | Bandera

‘Hirap na hirap na po ako’

- , March 22, 2014 - 02:39 PM

ISINUGOD sa Ospital ng Makati ang umano’y utak sa P10 bilyon pork barrel scam dahil sa sakit sa puson kahapon ng umaga.
Dinala siya sa ospital para sa emergency checkup matapos siyang dumalo sa pagdinig ukol sa pagpapagamot at pagpapaopera sa Makati Regional Trial Court branch 150.

Hindi naman tumanggi ang korte sa rekomendasyon ng doktor mula sa Philippine General Hospital na magpasuri si Napoles sa ospital.Mangiyak-ngiyak si Napoles nang personal itong umapela kay Judge Elmo Alameda sa pagdinig.

Hawak niya ang kanyang puson sa buong panahon na naroon siya sa korte. “Hirap na hirap na po ako, maawa po kayo sa akin. Hindi na ako tina-tablan ng gamot. Ang tagal ko nang tinitiis ito.

Alam niyo, ang laki-laki ng bukol ko dito. Ang sakit-sakit. Kung wala akong sakit, hindi ako makikiusap?,” sabi niya kay Alameda.Ayon kay Napoles, ilang linggo na siyang dinudugo.

Sinabi naman ng doktor niya na kung hindi agad magagamot ay maaari itong maging kanser. Iginiit niya sa hukom na nasi niyang magpa-opera sa St. Luke’s Medical Center dahil advance ang mga facilities doon at naroroon din ang kanyang mga pinagkakatiwalaang doktor.

Pero di naman nagpatinag ang hukom sa drama ni Napoles.Imbes na payagan ito sa St. Lukes, nagbigay suhestyon si Alameda na maaaring magpaoispital si Napoles sa OsMak, Philippine General Hospital at Southern Luzon Hospital.
Agad namang pinalabas ng ospital si Napoles dahil, ayon sa mga doktor, hindi naman umano “urgent” ang kanyang kaso.
Sinabi ni Dr.  Perry Ishmael Peralta ng Ospital ng Makati na sumailalim si Napoles sa ECG at blood tests at binigyan ng pain reliever para maibsan ang pananakit ng tiyan.

“There is something wrong with her, but the declaration of what is wrong with her is the role of her attending doctors,” ani Peralta sa panayam sa kanya sa radyo.  “May nakita kami but at this point in time hindi kailangang i-confine.”

Makaraan ang eksaminasyon ay ineskortan ang akusado pabalik sa kanyang kulungan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna. Samantala, pinalawak pa ng korte ang freeze order nito para sa mga ari-arian ni Napoles na sinasabing nagmula sa pork barrel fund.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending