Lovi, Mary Grace Poe nagbatian, nagbeso | Bandera

Lovi, Mary Grace Poe nagbatian, nagbeso

- December 14, 2011 - 03:10 PM

SO, wala talagang issue sa pagitan ng magkapatid na Lovi Poe at MTRCB chairman Mary Grace Poe. Kitang-kita kasi namin kahapon na okay na okay ang dalawa nang magkita sa presscon ng 2011 Metro Manila Film Festival.

Iniintriga kasi ang magkapatid sa ama (kay FPJ) na may samaan ng loob at laging nagdededmahan sa mga showbiz events. Hindi rin daw kasi tanggap ng pamilya ni Mary Grace si Lovi bilang anak ni FPJ.

Pero pinatunayan nga ng mag-sisters na walang issue sa kanilang dalawa. Nang magkasalubong sila sa loob ng Club Filipino sa Greenhills kahapon kung saan nga pormal na in-announce ang nalalapit na pagsisimula ng MMFF 2011 ay  nag-beso pa ang dalawa at nag-usap.

Sa pangunguna ni MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino, dinaluhan ng mga artistang may entry sa filmfest ang nasabing event, sa pangunguna ni Sen. Bong Revilla para sa “Panday 2” ng GMA Films at Imus Productions, Maricel Soriano, Jericho Rosales at Lovi Poe para sa “Yesterday Today Tomorrow” ng Regal Films at marami pang iba.


Ang iba pang entries ay ang “Enteng Ng Ina Mo” ng APT, M-Zet at star Cinema nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas, “Asiong Salonga” ng Scenama Concepts ni Gov. ER Ejercito, “Segunda Mano” ng Star Cinema at MJM Productions nina Dingdong Dantes, Angelica Panganiban at Kris Aquino, “Shake, Rattle & Roll 13” at “My Househusband” nina Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo ng Octo Arts Films.

Bukod sa pitong MMFF official entries, mapapanood din ang limang independent films na maglalaban-laban din sa filmfest, ito ay ang mga sumusunod: “Haruo” ni Adolf Alix, “Ritwal” ni Yeng Grande, “HIV” ni Neal Tan, “Dyagwar” nina Ogie Diaz at Sid Pascua, at “Pintaksi” nina Imee Marcos at Nelson Caguila.

Para naman sa kategoryang Student Short Films, 10 ang mapapanood mula Dec. 17 hanggang 21: Ang mga ito ay ang “Payaso” (La Salle Lipa), “Adivino” (Asia pacific Film Institute)”, “Sanayan Lang Ang Pagpatay” (Ateneo de Naga), “Biyahe Ni Barbie” (College of St. Benilde of Digital Arts), “Oras” (International Academy of Film & TV Cebu), “Mate” (Colegio de San Juan de Letran), “I See Everything” (Southville International School), “Bagong Ligo” (Mapua MAS), “Speechless” (Miriam College), at “Ulan” (Pixel Art, La Consolacion College). Magaganap naman ang gabi ng parangal sa Dec. 28 sa New World Resort Hotel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending