Zanjoe ayaw pang pakasalan si Bea: Kulang pa ang ipon ko!
PAULIT-ULIT na tinatanong ng entertainment press si Zanjoe Marudo tungkol sa pagpapakasal niya sa kanyang real-life girlfriend na si Bea Alonzo sa grand finale presscon ng Annaliza na magtatapos na sa Biyernes bago mag-TV Patrol.
Marami na raw kasing naipon si Zanjoe kaya pwede na niya siyang mag-propose ng kasal kay Bea, “Sobrang dami na,” kasunod ang tawa ni Zanjoe. “Naku, kasal? Kulang pa ang pera kong naipon para sa mga ganyang bagay.
Pambili lang ng mga luho, kumbaga, ‘yun pa lang ang pwede kong bilhin.” Isa raw sa mga dahilan na pumipigil kay Zanjoe para yayain na ng kasal si Bea ay ang kanyang pamilya. Balita kasi na breadwinner ng family niya Zanjoe.
“Tumutulong-tulong lang naman. May trabaho rin ang mga kapatid ko. Kaya hindi naman ‘yun ang dahilan. Iba rin syempre kapag ikaw ang bubuhay sa sarili mong pamilya,” ani Zanjoe.
Asiwa naman si Zanjoe sa ideya na pwede naman silang tumira sa bahay na ipinatayo ni Bea sa White Plains if ever magpakasal na sila, “Ang pangit naman noon,” diin ni Zanjoe.
But if ever ikasal nga sila ni Bea, papayagan pa rin daw niya ang aktres na umarte sa harap ng kamera. “Oo naman, pareho kami na ito ang trabaho lalung-lalo na siya.
Mas nauna siya sa akin at alam ko kung gaano niya kamahal ang trabaho niya. Kahit na maging mag-asawa kami at magkapamilya kami, hinding-hindi ko aalisin sa kanya ‘yung mga bagay na gustung-gusto niya gawin,” pahayag pa ni Zanjoe.
May tsika naman na pinagpapraktisan daw nina Zanjoe at Bea si Andrea in preparation for their future children. “Parang ayoko namang ganoon ang pagiging tatay ko na ang anak ko hindi akin.
Ha-hahaha! Hindi, syempre ‘yung pagmamahal, ‘yun. Feeling ko magiging ganoon ako kapag nagka-anak ako. Kasi hindi ko na naman alam kung paano siya iaarte talaga, paano maging tatay at ginawa ko lang siya paano siya lumabas sa akin.
Siguro baka ‘yun ang natural ko na baka kapag naging ama ako, e, ganoon ako kalambing sa mga bata, sa magiging mga anak ko.”
Kapag kasama raw nila ni Bea si Andrea hindi nila ini-imagine na para silang isang pamilya kundi parang may kapamilya lang sila na kasama.
Samantala, walang maalala si Zanjoe na na-meet niya sa isang shop sa mall si Deniece Cornejo. May tsika kasi na si Zanjoe ang kasama ni Vhong Navarro nu’ng unang ma-meet ng comedian si Deniece.
At si Zanjoe raw ang kumuha ng number ni Deniece para ibigay kay Vhong. Mariing sinabi ni Zanjoe sa amin na never pa niya nakilala si Deniece. Pero syempre nakarating kay Bea ang tsismis na ‘to, “Hindi naman namin masyadong napag-usapan.
Wala lang, tinanong lang niya ako. Pero sabi ko hindi totoo ‘yun. Wala akong kinalaman doon,” pahayag ni Zanjoe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.