Jose Manalo ‘TINAKOT’ ang anak kaya nagatangkang mag-suicide | Bandera

Jose Manalo ‘TINAKOT’ ang anak kaya nagatangkang mag-suicide

Ervin Santiago - March 18, 2014 - 03:00 AM


Karamihan sa mga nakakausap ko tungkol sa panibagong iskandalong kinasasangkutan ng TV host-comedian na si Jose Manalo ay naniniwalang pakana lang ng dati nitong asawa ang pagpapakamatay ng anak niyang dalaga.

Yung iba nga ay inis na inis sa ex-wife nitong si Anna Lyn dahil parang lahat na lang nangyayaring kamalasan sa buhay niya ay isinisisi niya kay Jose na wala na ngang ginawa kundi ang magtrabaho nang magtrabaho.

Nagpa-interview si Anna sa Buzz Ng Bayan nitong Linggo at kinumpirma nga nito na ito na ang ikalawang beses na nagtangkang magpakamatay ang anak nilang dalaga.

Ayon sa dating misis ni Jose, nagtangkang mag-suicide ang bata dahil sa sobrang depresyon. Ayon kay Anna Lyn nu’ng unang magpakamatay ang kanilang anak ay wala man lang  silang narinig kay Jose, masyado raw  busy ang host ng Eat Bulaga kaya hindi man lang nito nagawang kumustahin ang bata.

Sinabi naman ng legal counsel ng pamilya ni Anna Lyn, totoo ang nakasaad sa suicide note ng bagets, na masamang-masama ang loob nito dahil hindi na nakakapagbigay ng tamang sustento ang kanyang ama kaya hindi na siya nakakabayad ng tuition fee.

Pahayag ng abogado nilang si Atty. Dennis Pangan, “I would say a little better than Wednesday. Hopefully it will lead to recovery. Itong huling nangyari na ito, very unexpected kasi talagang ininda ng bata ‘yung sinasabi ng tatay na hindi na siya pag-aaralin.

Dagdag pa nito, “Lagi nga niyang kinukuwento sa akin ‘Minsan nga po Attorney kapag nasa school ako, oras ng recess or oras ng break, kumakain ‘yung mga kaklase ko, ako wala akong pera pangkain pamasahe pauwi lang ang meron ako.’”

Sinabi rin ng abogado na hindi na nakakapagtrabaho nang maayos si Anna Lyn dahil nagkasakit ito. Pero para naman sa mga dabarkads na nakachika namin, kung nagkulang man si Jose sa mga anak niya, hindi lang daw ang komedyante ang dapat sisihin dito, kundi ang ina rin nila mismo.

“Kasi, parang pinalalabas nila na napakasamang tatay ni Jose, e, kitang-kita naman na ginagawa niya ang lahat para kumita ng pera. E, siya, anong ginagawa niya bilang ina?

Nasa poder niya ang mga bata, responsibilidad niya na palakihin sila nang maayos. Kung ginagabayan niya nang mabuti ang anak nila, hindi magpapakamatay ‘yan!” mataray na pahayag ng aming kausap.

Sey naman ng isa pang supporter ni Jose, tama ang inilabas na statement ng kampo ng komedyante na nagsabing, “The obligation to support the family is not only incumbent upon him as the father of his children, but on Anna Lyn, as well, and that they should, together, resolve the issues and arrive at an agreement which would be to the best interests of their children.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending