MARAMING nagtatanong sa amin kung nanliligaw ba si Gerald Anderson kay Sarah Geronimo, ang lagi naming sinasagot, hindi pa umaamin ang aktor at maging ang singer-actress ay ayaw pang magsalita tungkol dito, ang “scripted” nilang sagot lagi ay close na close sila ngayon.
Sinabi raw kasi ni Sarah na binibigyan na siya ng permiso ng magulang niya na magpaligaw basta’t dadalaw sa bahay nila.
At nagsabi na rin ang dalaga na, “Gusto ko na ang magiging boyfriend ko, siya na rin ang magiging asawa ko.”
Nabanggit dati ni Sarah na nadala na siya sa una niyang pag-ibig at ayaw na niyang maulit ito kaya ang pangako niya sa lahat, lalo na sa entertainment press ay aaminin niya kapag nagkaroon siya ng boyfriend.
Heto ang tanong namin kay Sarah, bakit hindi niya inaamin na may mutual understanding na sila ni Gerald?
Isang very reliable source ang nagkuwento sa amin na may unawaan na ang dalawa at hindi lang daw nila ito maamin dahil nahihiya sila kay Mommy Divine na kung kailan naging maluwag kay Sarah ay baka naman isiping sinasamantala nila.
“Nahihiya si Ge (Gerald) kasi mabait sa kanya si Mommy Divine at pinagkakatiwalaan siya, so hindi nila maamin ni Sarah ang real score sa kanila,” kuwento ng aming source.
Tinanong namin kung nakakadalaw na si Gerald sa bahay ng mga Geronimo, ang sagot, “Hindi pa, hanggang text lang sila, tawagan sa cellphone kapag madaling araw, lihim pa nga lang.”
Kaya ang sabi namin, wala pa rin palang pagbabago sa naging sitwasyon nina Sarah at Rayver Cruz noon na nagtatawagan ng madaling araw o kapag nasa banyo si Sarah ay text-text lang sila. So, hindi pa rin pala tinutupad ni Sarah ang pangako niyang aamin na siya kapag may boyfriend na siya?
Kung kami lang si Sarah, aaminin namin sa buong mundo ang tungkol kay Gerald kesehodang magalit si mommy Divine.
Nasa tamang edad na naman siya, ‘noh? I’m sure naman boto rin si Mommy Divine kay Gerald lalo’t maganda naman ang takbo ng career ni Budoy bukod pa sa kaliwa’t kanang awards na natatanggap niya at higit sa lahat, may sarili na itong bahay at kaya nang bumuo ng sariling pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.