Goma mas maswerte sa sports kesa sa politika | Bandera

Goma mas maswerte sa sports kesa sa politika

Ambet Nabus - March 16, 2014 - 03:00 AM


MUKHANG mas masuwerte pa nga pagdating sa sports si Richard Gomez dahil mas madali niya itong naipapanalo unlike sa mga laban niya sa politika.

Opisyal na ngang pumasok sa roster of national team members ng men’s volleyball ang aktor matapos ang rigid training at pagsabak nito sa iba’t ibang paliga.

The last time na nakita namin si Goma strutting his wares sa volleyball court ng Ateneo Gym eh talaga namang nakikipagbasagan ito ng bola sa mga matitipuno at mahuhusay ding players ng PLDT, ng armed forces at iba pang commercial teams.

Ilang beses na rin namin siyang nakober sa ilang mga palaro. Aliw na aliw pa kami noon kasi kami lang yata ang may “pagka-panchita” sa kanyang pagiging artista.

Ha-hahaha! Pagdating kasi sa naturang laro, ordinaryong player si Goma at tunay namang hindi ito nag-aastang big star. Minsan nga halos sa bangko lang ito nananatili dahil intense ang game ng kanyang koponan, pero wala itong isyu sa kanya.

At dahil hindi naman na siya baguhan sa ganitong larangan (we were with him during the 2002 Asian Busan Games in Korea for fencing naman), tiyak naming magiging asset si Goma ng koponan.

At sa pagpasok nga niyang ito bilang national team member ng men’s volleyball, pinatunayan niyang hindi hadlang ang edad para sa mga gaya niyang very sporty, athletic, competent at pride ng bansa.

In fairness ha, mabilis pa rin siyang kumilos sa loob, nakakatakbo, nakaka-bend ng katawan, pumapalo ng wagas and yes, nakakatalon pa rin ng mataas.

Dapat lang siyang hangaan lalo ng asawang si Cong. Lucy Torres at mga gaya naming mahilig din sa volleyball.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending