Sulat mula kay Diding, ng Panitan, Capiz
Problema:
1. Nakulam daw ang anak ko, ang sabi ng albolaryo. Palaging masakit ang tiyan ng anak ko at nakatatalong doktor na kami. Nawawala panandalian ang sakit ng tiyan ng anak ko, pero bumabalik naman. Nang ipilit ko na subukan namin ang albolaryo ay pumayag na ang mister ko.
2. Pero, nagalit ang mister ko nang malaman niya na may hinihingi ang albolaryo. Una kasi, sinabi ng albolaryo na huwag ko raw dalhin ang asawa ko sa gamutan. Nagtatalo kami hinggil sa hinihingi ng albolaryo. Sino ba ang susundin ko? Napano ba ang anak ko?
Umaasa,
Sulat mula kay Diding, ng Panitan, Capiz
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign na Pisces (Illustration 2.) ng iyong anak ang nagsasabing ipasyal mo lang siya sa tabing dagat, at paarawan sa unang oras ng umaga. Makikita mo, kusa nang mawawala ang iniinda niyang panakit ng tiyan at likod.
Numerology:
Tulad ng nasabi na sa Cartomancy, siyam na sunod-sunod na gabi mong tapalan ng dahon ng pito-pito ang tiyan ng iyong anak, na pinahiran ng langis ng niyog na ginawa noong Biyernes Santo, makikita mo kusa ng bubuti ang kanyang pakiramdam – mawawala ang panakit ng kanyang likod at ng kanyang tiyan.
Luscer Color Test:
Kung sadyang naniniwala ka naman sa kulam, lamang lupa at iba pang kakaibang nilalang, lagi mong pagsuutin ng kulay pula ang iyong anak. Sa ganyang kasuutan, hindi na siya tatablan ng kulam at iba pang kapangyarihang itim.
Huling payo at paalala:
Diding, bukod sa nasabing mga kulay na panlaban sa kulam, gayon din ang langis na ginawa noong Biyernes Santo at ang dahong pinto-pito ang krusipiyo na walang tao ay isa ring mabisa na panlaban sa kulam. Paagsuutin mo nito ang iyong anak, at habang sinusuot mo ang nasabing krusipiyo bigkasin mo ang orasyong: “Verbena, Hastata, Viam Monstra, hasta Verbena Amen” kapag nagawa mo iyan, makikita mo, nakulam man siya o hindi, dagli mawawala ang pananakit ng kanyang tiyan at likod na aakalain mong siya ay nagdahilan lamang!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.