Albularyo o si mister? | Bandera

Albularyo o si mister?

Joseph Greenfield - March 15, 2014 - 03:56 AM

 Sulat mula kay Diding, ng Panitan, Capiz

Dear Sir Greenfield,

Nakulam daw ang anak ko, ang sabi ng albularyo. Palaging masakit ang tiyan ng anak ko at nakatatlong doktor na kami. Nawawala panandalian ang sakit ng tiyan ng anak ko pero bu-mabalik naman. Nang ipilit ko na subukan namin ang albularyo ay pumayag na ang mister ko. Pero, nagalit ang mister ko nang malaman niya na may hinihingi ang albularyo. Una kasi, sinabi ng albularyo na huwag ko raw dalhin ang asawa ko sa gamutan. Nagtatalo kami hinggil sa hinihingi ng albularyo. Sino ba ang susundin ko? Napano ba ang anak ko? Umaasa,

Diding, ng Panitan, Capiz

Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Ayon sa ipinadala mong photo copy ng palad ng anak mo, maganda at malinaw naman ang kanyang Life Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin anuman ang sakit ng anak mo ngayon, bale wala yan. Darating ang panahon kusa ring gagaling kahit hindi mo ipagamot. Maaari kasing “kabag lang o bulate” ang nagpapasakit sa tiyan ng anak mo.

Cartomancy:

“Huwag mo nang pa-tingnan kung kani-kaninong albularyo ang iyong anak dahil maaaring iyan pa ang kanyang ikapahamak” – ang nais sabihin ng King of Spades, at Six of Spades, habang ang Four of Hearts ay nagsasabing, tapalan mo na lang ng dahong pito-pito na pinahiran ng langis ng niyog na ginawa noong Biyernes Santo ang tiyan ang anak mo, makikita mo kapag nagawa mo iyon kusang bubuti ang kanyang kalagayan – mawawala na ang pananakit ng kanyang likod at tiyan. Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending