Dear David,
SUKI ako ng kolum mo at nais ko ring magkaroon ng mga mahiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 14, 1979. Dating nagtrabaho ako sa Saudi pero hindi na ako bumalik kasi’y lubha akong nalulungkot.
Ngayon,naubos na ang naipon ko at nais ko nang mag-abroad muli. Marami na akong inaaplayan pero mukhang minamalas.
Ituro mo sa akin ang dapat kong gawin upang magtagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng masusuwerteng kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto.
DONN NG
ZAMBOANGA CITY
Dear Donn,
FIVE (5) at seven (7) ang mga mahiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Mercury at Neptune ang kumokontrol sa iyong buhay.
Mabibilis na pangyayari ang magaganap sa iyo kaya’t dapat na matuto kang magdesisyon nang mabilisan at agaran. Nakasalalay sa mabilis na desisyon ang iyong ikatatagumpay.
Ang No.5 ay nagsasabi na buenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay kaya’t tiyak na matutuloy ka sa ibang bansa. Magaganap ito sa pagsapit ng mapapalad mong taon, 2012 at 2014, kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na trabaho.
Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 6, 11, 18, 22, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo.
Kulay gray at green ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No. 5 at No. 7 ang No. 1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-17-22-29-34-37-40-42.
ASSET TIPS: 3-6-2/. 1-5-7/8-2-6. WIRETIPS: 3-5-6/ 1-3-6/ 8-2-3. Double digit: 3-8/ 3-6/ 3-2/ 6-2. Luzon guide: 2-7-11-18-22-29-34-38-40-42. VisMin: 3-7-22-28-34-36-40-42. MegaLotto: 3-6-11-18-23-25-34-37-40-42. Four Number: 3-2-3-6/ 8-2-4-2/ 1-2-5-5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.